Kabanata 14: Kaibigan

1.7K 67 0
                                    


1895, Abril

May mga tao talagang dumadating sa ating buhay upang ipakita sa atin ang mga bagay na hindi natin nakikita. Dahil din sa taong iyun, nagkakaroon ng bagong simula.


Nagulat na lamang ako noong madatnan ko si Elisa sa aming salas. Agad siyang lumapit sa akin at ako'y niyakap

"Pasensiya na talaga, Montecia. Hindi ko kasi alam na pupuntahan mo ako kahapon sa amin kaya umalis ako." sabi ni Elisa habang humihingi ng paumanhin

"Ano ka ba, ayos lang iyun" sabi ko habang nakangiti sa kanya

Dinalhan kami ng isa naming kasambahay na si Aleng Angelita ng makakain.

"Salamat po, aleng Angelita" sabi ko habang nakangiti. Ngumiti naman siya sa amin.

Siya ang ina ni Rosita na asawa ni Mang Samuel

 "bakit mo nga pala ako pinuntahan kahapon?" nagtatakang tanong ni Elisa tapos uminom siya ng kape

"Ahh... may gusto sana akong itanong sayo...kung maaari sana" nahihiyang tanong ko. Alam kong hindi dapat ako nanghihimasok sa kanila pero gusto ko talagang malaman eh

"Ano iyon?" tanong niya sabay higop ulit

"Mahal mo ba si Lorenzo?" tanong ko. Nagulat na lamang  ako dahil muntikan na niyang ibuga sa akin ang kapeng iniinom niya

"Paumanhin" sabi niya bago pinunasan ng panyo ang kanyang bibig

"Bakit mo naman naitanong?" sabi niya at ipinatong niya ang kanyang tasa sa isang platito

"W-Wala gusto ko lang itanong" sabi ko tapos parang bigang nag-init ang aking mga pisngi

"Ano ka ba, alam mo namang may mahal na akong iba di ba" sabi niya na natatawa tawa pa. Bigla akong napatingin sa kanya

"Hindi ba si Lorenzo?" nagtataka kong tanong

"Si Lorenzo? Sinasabi ko na nga ba hindi ka nakikinig kapag nagkukwento ako eh" sabi niya habang nakangiti at iliing iling

"Kung ganoon...s-sino?" kinakabahan kong tanong sa kanya

"Seryoso ka hindi mo alam?" nagtatakang tanong ni Elisa

"Sige na, sabihin mo na" pamimilit ko sa kanya. Biglang bumiis ang tibok ng aking puso

"Juancho.. Si Ginoong Juancho Guerrero ang mahal ko. Palagi ko iyung sinasabi sa iyo pero mukhang lutang lagi ang isip mo" sabi niya Elisa habang nakangiti

Biglang nagbalik sa akin ang lahat

  "tignan mo ako, ganyan din ang sinabi ko sa sarili ko pero umibig at umibig pa rin ako sa kanya" sabi niya sabay lingon kina Lorenzo at Juancho.....  

Kung ganoon.... ang tinutukoy niya noong panahong iyun ay si..... Juancho?!

Kung ganoon.... waaahhhhh!!!!! mali ang pagkakaintindi ko!

"kaya ba palagi mo na lang akong binabara kapag nagkukwento ako tungkol sa kanya ay dahil.... akala mo siya ay si Lorenzo?!" sabi niya tapos bigla siyang natawa

Napahiya talaga ako... hindi ako makatanggi kasi iyun ang totoo.... NAKAKAHIYA TALAGAAA!!!!

WAAAAHHHH!!!

"hmmm... umamin ka nga... May gusto ka ba sa Ginoong Sebastian na iyun?" sabi ni Elisa sa akin na nakangiti habang sinisiko-siko ako. Kitang kita mo sa ngiti niya ang panunukso. Hininaan niya ang pagkakasabi niya dahil baka may makarinig

Way Back 1895Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon