Kabanata 23: Santacruzan

1.7K 76 6
                                    



Kabanata 23:

"Montecilla, alam mo ba..."

Nagising na naman ako dahil sa mga di ko maipaliwanag na panaginip. Hindi na ito dahil lang sa nagbabasa ako ng diary ni Montecilla, iba na ito. Paulit ulit akong nananaginip tungkol sa isang lalaking hindi ko naman kilala at parang isang flashback na nagpeplay sa utak ko ang iba't ibang scene. Malimit na rin akong magising na umiiyak....

Napatingin ako sa orasan ko at eksaktong 3 AM na. Kinuha ko iyung diary ni Montecilla. Habang tumatagal nag iiba na rin ang feeling ko sa diary na ito. Binuklat ko na ito at binasa ang mga nakasulat

1895, Mayo

Nakadungaw ako ngayon sa bintana ng aking kwarto. Iniisip ko pa rin si Lorenzo. Napapangiti na lamang ako sa tuwing ngumingiti siya sa aking isip.

Kailan ko kaya ulit siya makikita? Lumapit ako sa aking tokador at umupo ako sa harap nito. Kinuha ko iyung suklay at sinuklay ko ang aking buhok, napatingin naman ako sa aking repleksiyon sa salamin. Bigla ko tuloy naalala iyung sinabi niya sa akin doon sa piging

  "Mas maganda ang simple, makulit at maingay na si Montecilla"  

Napahagikhik ako nung maalala ko iyun. Hindi ko talaga mapigilang hindi mapangiti.

*Tok! *Tok! *Tok!

Narinig kong may kumatok sa kaing pintuan

"bukas iyan" sabi ko habang nagsusuklay pa rin at nakangiti sa salamin.

"Kakain na" sabi ni Kuya Roman kaya agad akong tumayo at lumapit sa kanya. 

"mukhang masaya ka ah" sabi ni Kuya Roman habang nakangiti sa akin kaya lalo akong napangiti. Pagbaba namin ay nakaupo na silang lahat sa hapag kainan. Nakita ko naman si Joaquin na agad ngumiti sa akin kaya ngumiti din ako sa kanya. pagkaupo ko ay agad na kaming nagsimulang kumain

"Siyanga pala, Heneral Joaquin. Kailan ang balik niyo ni Roman sa Cavite?" tanong bigla ni Papa kaya saglit akong napatingin kay Joaquin bago ko ipinagpatuloy ang aking pagkain

"Sa Linggo po" sabi ni Joaquin habang nakangiti kay Papa. Tumango tango naman si Papa

"Montecilla, Kailan mo ba nais sagutin si Joaquin? Aba'y malapit na pala silang bumalik ng Cavite" biglang tanong sa akin ni Papa kaya napatingin ako sa kanya. Nitong mga nakaraang araw ay sinimulan na ni Joaquin ang panliligaw sa akin. Araw araw niya akong binibigyan niya ako ng bulaklak at kinakantahan ng mga awitin. Tumutula din siya sa akin na puro tungkol sa pag ibig. Tuwang tuwa naman ang aking mga magulang at mga kapatid sa ginagawa ni Joaquin. Hindi pa nga siya nanliligaw ng ilang buwan parang gusto na agad akong ipakasal nila Papa

"Tamang tama, malapit na ang  santacruzan. Sa  Sabado na. bakit hindi mo isama si Joaquin sa iyong saggala. Tutal ikaw naman ang Reyna Elena. Bakit hindi mo siya gawing iyong kapareha" sabi ni Papa at parang animo'y tuwang tuwa siya sa kanyang naisip. Bigla namang bumagsak ang aking dalawang balikat. Napatingin ako kay Joaquin at nahuli ko siyang nakatingin sa akin 

"Don Miguel, pasensiya na po pero...(tumingin siya sa akin bago kay Papa) hindi na po. Kailangan ko na rin po kasing maghanda pa para sa aking pag alis" sabi ni Joaquin habang nakangiti. Bigla akong nabuhayan. Napatingin naman ako kay Papa

"Ganoon ba, mukhang wala akong magagawa pa" sabi ni Papa at halata ang bakas ng panghihinayang sa kanyang boses. Ngumiti naman sa akin si Joaquin. Binigkas ko ng mahinang mahina ang salamat kay Joaquin. Ngumiti lamang siya

Pagakatapos naming kumain ay nagpunta naman akong hardin. Naramdaman ko na lang na sumunod sa akin si Joaquin

"May utang ka sa akin ngayon, Ella" sabi ni Joaquin. Napataas naman ang aking isang kilay

Way Back 1895Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon