Napatingin ako sa dalawang kasama ko na tahimik lang na kumakain. Paano ba itong dalawang ito?
Maiiwan ko ba muna sila rito? Pupunta ulit akong Hacienda Aragon mamaya eh. Magbabaka sakali ako na may matuklasan pa ako sa past ko kapag nagpunta ako roon.
Nag-away na naman ba sila? Ito naman kasing totoy na ito halata namang siya ang pinunta ni Via, pa-hard to get pa.
Pareho kaming napatingin ni Via kay Matthew nang tumayo ito. Dala dala niya ang plato, nagpunta siyasa kusina at naghugas ng plato. Tinitignan lang namin siya ni Via hanggang sa matapos ito at umakyat na sa second floor ng bahay. Pareho kaming napabuntong hininga ni Via kaya nagkatinginan kaming dalawa.
Pilit lamang siyang ngumiti. Hinintay niya akong mayapos kumain bago siya tumayo
"Ako na ate ang maghuhugas ng plato ha." Sabi niya habang nagliligpit kami ng kinainan
"Sure ka?" tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya bago kinuha ang mga plato at dinala sa lababo. Napatingin ako sa may hagdanan bago ako sumunod kay Via sa kusina
"Via" tawag ko sa kanya pero mukhang hindi niya narinig. Tatawagin ko sana ulit siya pero napatigil ako. Tinignan ko siya habang nakatalikod sa akin at naghuhugas ng plato
"Mercedes" tawag ko sa kanya. I saw her stiffen when she heard the name. Napatigil siya sa paghuhugas bago lumingon sa akin. Napalunok ako bago lumapit sa kanya
"M-Mercedes?" Muli kong sabi. Nanlaki ang mga mata niya at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. Agad siyang napaiwas ng tingin at nagpatuloy sa paghuhugas ng mga plato.
Natigilan ako sa inakto niya. Kung ganoon... tama ako.
"Si Matthew... siya si Simon hindi ba?" Buong lakas kong tanong sa kanya though hindi ko alam kung mawiwirduhan ba siya sa akin. Unti unti siyang napatingin sa akin kasabay noon ay ang pagpatak ng mga luha niya na siyang ikinagulat ko
"I'm sorry. Please huwag mo siyang ilalayo sa akin." Sabi niya bago tuluyang naiyak. Nagtaka naman ako sa sinabi niya
Ilalayo? Sino? Si Matthew?
"Via-" hahawakan ko sana siya sa balikat nang biglang may humawak sa kamay ni Via. Pareho kaming napatingin rito.
"Matthew." Sabi ko. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. Lalo akong nagtaka nang hilahin niya si Via at tuluyan silang lumabas ng bahay.
What is happening?
Susundan ko na sana sila pero naisip kong mas maganda kung iiwan ko nalang silang dalawa. Tulala akong napaupo sa sofa. I always have that feeling that I knew who Matthew was to my life but I never expected it to be this deep.
Kapatid ko siya. Hindi lang sa buhay na ito pero sa buhay ko noon. Hindi na dapat ako nagtataka pa dahil amrami ng clues pero hindi pa rin ako makapaniwala
I met Simon in a Diary and now, he's here in a flesh as my brother!
Napangiti ako at biglang natigilan bago napalitan ng kunot ang noo ko. Hindi naman masungit si Simon ah? Bakit ganun ang kapatid ko? Anyare?
Napailing nalang ako bago umakyat sa taas para maligo. Bago umalis ay tinext ko si Simon na may pupuntahan muna ako at kataka takang hindi siya nag-inarte ngayon. Mukhang focus na focus siya kay Via ahh. Mabuti, I know how much they love each other in their past life so I'll let them be.
Via's POV
Napatingin ako kay Matthew habang hawak hawak niya ang kamay ko at hinihila ako habang naglalakad kami.
Hindi ko siya maintindihan. Last time I checked ok kami pero bigla nalang niyang sinabi sa akin na hindi kami pwede, na hindi porket may Simon at Mercedes ay dapat may Matthew at Via rin.
BINABASA MO ANG
Way Back 1895
Historical FictionDalawang tao na itinakdang magtagpo ngunit di nakatadhana ang mga puso Mga pusong muling magmamahalan upang ang kahilingan ay maisakatuparan Mga kahilingang nagmula sa nakaraan ay muling masasambit sa kasalukuyan Sino si Montecilla? At ano ang kanya...