Kabanata 61: Hapunan

411 21 4
                                    

Araw ng linggo kaya nagpunta kami sa bayan para magsimba. Napapataas nalang ang kilay ko kapag nakikita ko si Renzo.

Di ko alam kung anong pumasok sa isip niya at sumama sa amin, lalo naman akong naguluhan nang itabi siya sa akin ni Tita kaya todo layo ako sa kanya kapag umuupo, lumuluhod at kapag tumatayo.

"Anong iniisip mo?" Biglang bulong sa akin ni Renzo nang umupo kami matapos ang homily ng pari. Tumayo na rin sina Tita Sherryl at Beth para mag offer. Naiwan naman kami ni Renzo na nakaupo sa upuan.

I glanced at him before rolling my eyes.

"Wala ka na dun." Inis kong sabi sa kanya

"Sungit." Sabi niya na nagpataas ng kilay ko

"Huwag mo nga akong kausapin, kitang nagpofocus ako sa mass eh. Kung bored ka, huwag mo akong bulabugin." Bulong ko sa kanya

Noon ngang mag Ama Namin pinag apir ko yung mga kamay ko tutal sakristana naman ako noong high school saka para di dumampi balat ko sa balat niya. Yuck!

Napapaeyeroll nalang ako kapag naririnig ko siyang nagpipigil ng tawa. Whatever. Nangunot yung noo ko nang mapadako ang paningin ko sa magjowang nakaupo sa harap namin. Palaging inaakbayan ng lalaki yung babae kapag nakaupo tapos pag tumatayo naman ay nakaholding hands pa.

Mga kabataan talaga ngayon, pati ba naman ang Simbahan gagawin nilang dating spot? Bakit pa sila sumimba? Para sa peace be with you na may libreng kiss? Tsk tsk tsk. May iba pa ngang teenagers na imbis na makinig sa homily ng pari ay nagsecellphone o di kaya'y nakikipagkwentuhan sa katabi.

Haler! Nagpunta tayo sa simbahan upang makinig sa pangaral ng pari at misa at para mabasbasan narin tayo. Hindi tayo sumisimba para gawin ang mga bagay na pwede naman nating gawin sa labas. Isang oras na nga lang ang hinihingi ng Diyos mula sa atin, di pa maibigay ng buo. Haayy

Buti nalang nanahimik na si Renzo hanggang sa matapos na ang mass.

Pauwi palang kami nang may naalala ako.

"Tita, hindi po muna ako sasabay sa inyo puwi. May dadaanan lang ako, mauna na po kayo sa bahay." sabi ko kay Tita Sherryl kaya napatingin silang tatlo sa akin. Nagtataka namang nakatingin sa akin si Renzo pero di ko na siya pinansin.

"ahh ganun ba, sige. Mag iingat ka." sabi ni Tita

"Baka po matagalan ako sa pupuntahan ko." paalam ko. Buti nalang ay pumayag siya. Pinagmasdan ko silang tatlong umalis bago ako tumalikod at sumakay ng tricycle. There are so much to see in San Ildefonso. Sayang naman kung hihiga nalang ako sa bahay pagkauwi

Agad na akong nagbayad kay Manong nang dalhin niya ako sa lugar na sinabi ko sa kanya

Napatingin ako sa paligid ko. Nang humangin ay agad kong naamoy ang dagat na malapit lang. Malamig ang simoy ng hangin at masarap sa feeling ang pagdampi nito sa balat.

Lumapit ako sa matandang punong matatag na nakatayo roon. Nandito ako sa dating tagpuan nina Montecilla at Lorenzo. Nang makita ko yung ukit ay hinaplos at kinapa ko ito. I don't know why but the moment my hand touch it, I suddenly want to cry.

An image of a girl who has the same face of me appeared in my mind. Nakasuot siya ng pang sinaunang damit habang nakangiting inuukit ito sa puno then suddenly, umiiyak na siya pero kahit ganon ay inuukit pa rin niya

Why do you cry?

Nang maramdaman kog basa na yug mga pisngi ko ay agad ko itong pinunasan.

Why do I cry?

Tumalikod na ako sa puno ngunit agad akong natigilan nang makita ko kung sino ang makikita ko sa harap ko pagkatalikod ko.

Prente lang siyang nakatayo limang hakbang mula sa akin. Nakahalukipkip ang mga kamay sa bulsa ng pantalon. Ngayon ko lang siya natitigan dahil iniiwasan ko siya.

Way Back 1895Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon