"What?, nabasa mo na yung unang page nung diary?!" sigaw ni Ysabel
"Sssshhhh huwag ka ngang maingay. Baka marinig tayo nina Renzo" sabi ko habang nasa bibig ko ang hintuturo ko. Ang sabi kasi ni Renzo huwag muna daw babasahin iyung nasa diary, malay ko ba sa baklang iyun
"Anong nangyari sabi sa diary?" tanong ni Ysabel tapos lalo siyang dumikit sa akin para di marinig nina Renzo ang pinag-uusapan namin
Ikinuwento ko kay Ysabel ang mga nakasulat sa diary. Mula duon sa umpisa hanggang iyung epic meeting nila ni Lorenzo
" eh dalagang pilipina din pala si Montecilla eh, grabe kinilig ako dun sa first meeting nila nung nakasayaw niya pati nung si Lorenzo. Sa tingin mo may love triangle kaya?" sabi niya habang nakangiti at parang kilig na kilig
"Aba malay ko" sabi ko sa kanya
"Nakapagdesisyon na ako Ysabel...Manghahanap ako ng information about Montecilla Aragon" sabi ko habang nakangiti...
"Ang tanong pumayag kaya si Renzo?" tanong niya habang nakacross arm at nakataas ang isang kilay
ngumiti ako with confidence... aba malamang nakakatamad na kayang maghanap ng panibagong tao. Sapakin ko iyun eh kapag nag-inarte pa siya
"Papayag siya for sure" sabi ko tapos ngumisi ako
------------------
"Renzo!" tinawag ko si Renzo na ngayon ay naglalakad sa hallway
kaya napalingon siya sa akin with matching poker face pa
Renzo...halos kapangalan pala siya ni Lorenzo, ang kyut naman....este ang pangit pala
kumunot ang noo niya dahil nakita niya ako kaya napakunot din ako. Sapakin kita diyan eh, disappointed ha??? ako ang nakita niya, disappointed???
"What do you want? I'm busy" walang emosyon niyang sabi. Eh kung pektusan kaya kita?..
Ewan ko ba, sa tuwing nakikita ko siya, pakiramdam ko kumukulo ang dugo ko kahit alam kong dapat
"May nahanap na akong tao na pwede nating gamitin sa project natin" sabi ko habang nakangiti
Pero tinignan niya lang ako na para bang nakakabored ang sinabi ko
"I already found someone" sabi niya sabay walk again...hanabol ko naman siya...ang bilis naman nitong maglakad
" Montecilla..Montecilla Aragon siya ang naisip kong topic" sabi ko pero diretso pa rin siya sa paglalakad
"HUUY!!! ano ba? still there? o kinuha na naman po ba ng mga alien si Renzo? kung oo please wag niyo ng ibalik" sabi ko sa kanya habang sinasabayan siya sa paglalakad
napatingin naman siya sa akin at parang naasar siya sa sinabi ko
" What do you want? Nasabi mo na ang gusto mong sabihin. Bakit ba ang kulit kulit mo pa rin?" sabi niya habang nakakunot ng noo...pektusan kita diyan eh, kita mong nagsasalita pa ako kanina tapos bigla bigla ka namang naglakad agad
"SIno ba iyung naisip mong tao ha?" sabi ko... nacurious kasi ako eh
"Don't bother, you don't know him" sabi niya tapos tinalikuran na naman niya ako
Of course I don't know him!! duh!! that's the purpose of our project, dapat hindi sila kilala... bakit ba ang sungit sungit nito?, may buwanang dalaw ka ba teh?
" Sino ba kasi?" sabi ko pagkahabol ko sa kanya, sige lang Ella push mo pa
Nagbuntong hininga naman siya...tapos tumingin sa akin na para bang suko na siya sa kakulitan ko
BINABASA MO ANG
Way Back 1895
Historical FictionDalawang tao na itinakdang magtagpo ngunit di nakatadhana ang mga puso Mga pusong muling magmamahalan upang ang kahilingan ay maisakatuparan Mga kahilingang nagmula sa nakaraan ay muling masasambit sa kasalukuyan Sino si Montecilla? At ano ang kanya...