CHAPTER 50: ENDGAME

32 2 0
                                    

*Kurt's POV*

Huminto muna ako sa flower shop na nadaanan ko sa highway, malapit lang ito sa sementeryo kung nasaan ang mausoleum ni Mommy. Bumili ako ng isang paso ng sunflower, paboritong bulaklak ito ni Mommy lalo na at kulay dilaw ito. Naalala ko pa noon, halos dilaw ang lahat ng mga gamit ni Mommy.

"Happy death anniversary, Mommy," nakangiting sambit ko kasabay ng pag-uunahan sa pagtulo ng mga luha ko habang nakatingin sa picture frame na nakapatong sa puntod niya. "Ang tagal mo na kaming iniwan pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako sanay na wala ka. Hindi pa rin nababawasan 'yong sakit dito, Mommy," animong batang nagsusumbong sa sabi ko sa kanya habang nakaturo sa dibdib ko. "Kung hindi lang sana ako nagpatalo sa galit ko, hindi sana nasira 'yong pamilya natin. Hindi sana nangyari sa'yo 'to. Kasama ka pa sana namin at buo pa sana 'yong pamilya natin kung hindi dahil sa kagagawan ko. Sorry, Mommy, kung naging mahina 'yong loob ko. I'm sorry for causing too much pain sa inyong tatlo nina Daddy at Kent." Basang-basa na pala ng luha ang mukha ko. "Nagawa ko na, Mommy. Masakit lang dahil mahal ko na rin si Kathryn pero alam ko namang si Kent talaga ang para sa kanya at masaya po ako dahil alam kong mahal nila ang isa't isa. Tanggap ko nang sila talaga ang makakapagpasaya sa isa't isa at wala na akong balak pang sirain ulit 'yon. Si Pauline po, Mommy, wala na akong nagawa. Hindi ko napalitan si Kent sa puso niya at pagod na rin akong ipagpilitan 'yong sarili ko sa kanya kasi alam mo naman kung gaano ko rin siya minahal noon, 'di ba? Ang dami kong nagawang mga kasalanan at pagkakamali simula pa noon pero masaya ako kahit maikling panahon lang 'yong ibinigay sa'kin. Napakaraming sakripisyo ang ginawa ni Kent para sa'tin lalo na sa'kin at masaya ako dahil kahit isang beses lang akong nakabawi sa kanya, alam kong buong buhay siyang magiging masaya dahil kasama na niya 'yong babaeng pinakamamahal niya. Gano'n pala talaga yong pagmamahal, 'no?" tanong ko sa kanya na animong kinakausap niya rin ako at bahagya pa akong natawa nang maisip ko na kahit papaano ay naramdaman ko rin ang magmahal. "Lahat ay handa mong gawin para sa mga taong mahal mo, marami kang handang isakripisyo para sa kanila kahit na ikaw pa ang mahirapan basta huwag lang sila. Alam kong huli na nang ma-realize at magising ako sa katotohanan pero masaya ako dahil kahit papaano ay naayos ko na 'yong mga nasira ko noon. Miss na miss na kita, Mommy. Masaya na ako dahil malapit na tayong magkita kung nasaan ka man," nakangiti kong sambit sa kanya.

MAALALA MO SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon