Chapter 11: THIS IS JUST THE BEGINNING

1.7K 61 6
                                    

*Kathryn's POV*

"Daniella?"

"Pasok," sabi ko at maya-maya lang ay bumukas na ang pinto at niluwa no'n si Kuya.

"How was it?" he asked.

"It was great," I answered with a smile formed on my lips.

"I'm happy kasi nakita mo na ulit siya. Masaya ko kasi hindi na kita nakikita rito sa kwarto mong umiiyak. Masaya 'ko na bumalik na ulit yung dating Daniella," sabi niya. I'm so happy kasi may dahilan na ulit ako para maging masaya. And I'm so happy kasi nagkaroon ako ng very supportive na Kuya.

"And that's because of him."

"Alam mo nakakatampo ka, eh. No'ng mga panahon na wala siya, bakit parang hindi kami sapat para sa'yo? 'Yong para bang hindi ka kuntento sa'min kaya siya 'yong hinahanap-hanap mo," nahalata ko sa tono niya ang lungkot habang binibitawan ang mga salitang 'yon. Parang may pagtatampo nga sa tono ng pananalita niya.

"Hindi naman sa hindi kayo sapat para sa'kin, I just felt like parang may kulang sa pagkatao ko. There is someone that is missing pero hindi ibig sabihin no'n ay hindi kayo sapat," pagpapaliwanag ko. Kontento na naman talaga ako for having the best family kaso may kulang lang talaga.

"I know. Pero magkakaiba rin kasi tayo ng point of view, 'di ba?" Hay! Buti naman at naiintindihan niya 'ko. "By the way, anong status niyo ngayon?"

"We're friends, by now."

"Sabi ko na nga ba't si Kurt 'yong nakita ko no'n," sabi niya. Nagulat ako dahil do'n. Nakita niya? Pero wala naman siyang sinabing nakita niya si Kurt, ah.

"Huh?!"

"I saw him the day before no'ng nakita mo siya. Palabas siya ng principal's office that time pero akala ko kamukha lang niya, so I just ignored him." Tss. Bakit naman hindi niya sinabi sa'kin 'yon?

"Ah."

"'Yong sabi mo nga pala na you're friends by now, you mean you will start all over again, right?"

"Absolutely. 'Yon lang kasi 'yong alam kong pwedeng gawin. Hindi naman pwedeng biglain ko siya na alalahanin agad 'yon, 'di ba?"

"Yeah, pero pa'no kung hindi niya na talaga 'yon maalala? Ikaw? Tayo?"

"Like what you mentioned, we will start all over again. Para kahit hindi niya maalala agad 'yong past, we will still have new memories, right?"

"So lahat tayo kailangang mag-pretend na parang hindi tayo naging parte ng buhay niya?"

"Yeah, but not for too long. Gagawin lang natin 'yon para hindi siya masyadong mabigla or whatsoever. Then, pag ok na, do'n lang natin ipapaalala or sasabihin 'yong past nang dahan-dahan. Gano'n."

MAALALA MO SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon