*Christian's POV*
Pagkauwi ko ng bahay ay agad akong sinalubong ni Mommy para kumustahin at ipaghain sana ng pagkain pero agad na rin akong tumanggi dahil kumain na rin naman ako kanina. Late na kasi akong nakauwi ngayon dahil marami pa kaming inasikaso kanina para sa project proposal namin bukas.
Agad na rin akong nagpaalam kay Mommy na aakyat na sa kwarto ko dahil medyo napagod talaga kami. Naglalakad ako sa hallway ng second floor nang 'di ko mamalayang napatingin ako sa pinto ng kwarto ni Kathryn.
Saglit pa akong tumingin sa relo ko at siguro naman ay hindi pa 'yon tulog dahil alas-nuebe y media pa lang naman nang gabi.
Binuksan ko lang nang bahagya ang pinto ng kwarto ko at ihinagis sa kama ang bag ko.
"Boom! Sakto!" confident na sabi ko at umakto pang may pinagpag sa manggas ng unipormeng suot ko.
Kumatok pa muna ako bago ko binuksan ang pinto kahit wala akong nakuhang kahit anong sagot mula sa loob. Matic na kasi 'yon, kapag kumatok ako, pasok na agad 'yan kasi minsan talaga ay tamad sumagot 'to si Kathryn.
Pagpasok ko sa loob ay agad akong sinalubong nang malamig na hangin na nagmumula sa labas dahil nakabukas 'yong pinto ng veranda niya.
"Ano 'to horror house?" malakas na tanong ko at may narinig akong tumawa mula sa kung saan.
Inilibot ko ang paningin ko rito sa loob pero wala naman siya rito, nakakita ako ng anino mula sa labas ng veranda kaya dumiretso na rin ako do'n.
"Bakit ganito 'yong kwarto mo, parang pang-horror house 'yong aura, ah," bungad ko sa kanya paglabas ko ng veranda. Nadatnan ko siyang nakaupo do'n sa wooden bench niya.
"Ang ingay mo, Kuya," baling niya sa'kin na animong natatawa.
"Na-miss kita, ah," sabi ko ulit at tumabi na ako sa kanya. "Pa-kiss nga ako sa bunso namin," inakbayan ko pa siya pagkasabi ko no'n at umaktong hahalikan ko siya sa pisngi. Tinulak niya naman ako palayo habang tumatawa.
"Tumigil ka nga, Kuya," natatawang sabi niya at mas lalo pa akong pinagtulakan palayo. "Nakakadiri ka, ah."
"Ako? Nakakadiri? Sa gwapo kong 'to?" sunod-sunod na tanong ko habang itinuturo pa ang sarili ko at inilapit ang mukha ko para makita niya kung gaano kagwapo ang kapatid niya. Puro naman halakhak ang ginagawa niya. "Ikaw nga 'yon, eh. Kamukha mo 'yong tae ko kanina."
"Ang kapal mo!" protesta niya.
"Kumusta araw mo?" pagpuputol ko sa kalokohang pinagsasasabi ko kanina.
"Maayos naman. Nakaka-drain ng utak sa dami ng kailangang review-hin. Buti na lang tapos na ang midterm kaya chill na lang kami the following weeks."
"Bakit nga pala nandito ka sa labas?"
"Wala naman, nagpapahangin lang."
BINABASA MO ANG
MAALALA MO SANA
Teen FictionEven if you don't remember our past, I promise you that we will create new memories together. We will make the most unforgettable memories that you will never ever forget.