Chapter 42: CHRISTMAS EVE

31 4 0
                                    

*3rd Person's POV*

Mabilis na hinatak ng lalaki ang kanyang kasintahan palabas ng lugar na 'yon. Padabog niya itong pinagbuksan at pinagsarhan ng pinto ng kotseng dala niya ngayon.

"What the f*ck?! What was that, huh?! The party wasn't over yet," pagmamaktol ng babae habang ang lalaki naman ay nakapatong sa manibela ang mga kamao nitong nakakuyom.

"Ano 'yon, ha?! Ano bang kabaliwan 'yang pinag-iiisip mo? Baliw ka na ba? Pa'no kung may nangyaring masama kay Kathryn, ha?!" sigaw ng lalaki sa kasintahan niya.

"Bakit meron bang masamang nangyari? Wala naman, 'di ba? What the f*ck?! I just scared the hell out of her!" pasigaw na sagot din ng babae.

"Gagamitan niyo ng kutsilyo? Anong klaseng pananakot 'yan, ha?! Gusto mo na ata siyang saktan, eh."

"Who the hell cares? Bakit ba pinagtatanggol mo pa ata ngayon 'yong babaeng 'yon? She even deserves it."

"She doesn't deserve any of these. Kathryn doesn't deserve these all."

"She got your Mom killed, Kurt! Siya ang dahilan kung bakit namatay ang Mommy niyo! Was that not an acceptable reason for her to deserve it all?!"

"Tigilan mo na, Pauline! Tigilan na natin lahat nang 'to. Ayoko nang ituloy pa lahat."

"What?! Why?!"

"Dahil," sagot ng lalaki at agad niyang pinutol ang sasabihin niya.

"Why?!"

"Dahil sobra-sobra na 'to," sagot ng lalaki at pumirmi na siya sa pagkakaupo at agad na pinaharurot ang kotse.

Kinaumagahan ay nagising ang dalawa dahil sa sunod-sunod at malalakas na katok mula sa pinto ng unit ng babae.

"Who the f*ck is that?" naiinis na tanong ng babae at bumalik din sa pagkakapikit.

Agad na lumabas ang lalaki mula sa kwarto at pagkabukas na pagkabukas niya pa lang ng pinto ng unit na tinutuluyan nila ay agad siyang sinunggaban at sinapak ng lalaking kanina pa kumakatok dito.

"P*tangina! Ano ba?!" galit na galit na angil ni Kurt at akma niya ring babawian ng sapak ang lalaki pero agad itong nakaiwas.

"What the f*ck have you two done, huh?! Where the f*ck is Pauline?!" halos bumukol na ang mga litid sa leeg ng lalaki dahil sa galit.

"Umalis ka na rito!"

"Where is that f*cking Pauline?!"

Dahil sa ingay at kalabog na nagmumula sa labas ng kwarto ay naiinis na lumabas na rin ang babae.

"Why the f*ck is it so noisy here?! Anong ginagawa mo rito?!" galit na rin ang babae lalo na nang makita niya ang lalaking nanggugulo sa bahay niya ngayon.

MAALALA MO SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon