*Kathryn's POV*
After school, I decided to go to St. Fenire Academy with Lauren. Yeah, she knows everything. As in everything, cause she's my bestfriend since high school. Actually, siya 'yong laging nanunukso sa'kin noon kay Kurt.
Katapat lang naman ng SFU ang SFA, so pumayag siyang sumama. Sinabi ko rin kasi na ililibre ko siya kaya ayan, sumama naman agad siya. Pero sobrang thankful ako 'cause I have her as my bestfriend. She's very supportive on me. Aside from Kuya Christian, sa kanya ko naibubuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko. She's also my crying shoulder.
Unang pinuntahan namin ay ang school park. Umupo kami sa bench kung saan kami nakaupo ni Kurt no'ng time na sinagot ko siya 6 years ago. Ngayon na lang ulit ako nakapunta rito, and I can say that it's very different now.
Napaiyak na lang ako nang maalala ko 'yong moment na sinagot ko siya.
******FLASHBACK******
Maaga pa lang nang makapasok kami ni Kurt. Sinabi ko kasi na maaga kaming pumasok ngayon dahil may sasabihin akong importante sa kanya. Dito muna kami dumiretso sa school park at umupo kami sa favorite bench namin dito. Binigyan niya 'ko ng toblerone at itatago ko na sana sa bag ko nang pigilan niya 'ko.
"Hep.. Hep.. Bakit mo itatago yan?" tanong niya habang hawak niya yung wrist ko.
"Binigay mo sa'kin, eh, kaya itatago ko. Mamaya ko na lang kakainin," sagot ko na nagtataka pa rin sa inasal niya.
"Pinapabuksan ko lang sa'yo," sabi niya. Nang-aasar ba 'to? "Joke lang. Hahaha! Kakainin natin 'yan. Hati tayo r'yan. Ano, sosolohin mo lang? Ang mahal kaya niyan," pag-angal niya. May topak talaga 'to, eh.
"Tsss. Wag ka na. Akin lang 'to," inis na sabi ko.
"Kapal ng mukha, ah. Ako bumili tapos ako mawawalan. No way!" pag-iinarte niya.
BINABASA MO ANG
MAALALA MO SANA
Teen FictionEven if you don't remember our past, I promise you that we will create new memories together. We will make the most unforgettable memories that you will never ever forget.