*Kathryn's POV*
Maaga akong nagising ngayon kahit araw ng Sabado. Hindi naman gano'n kahaba ang naging tulog ko pero pakiramdam ko ay sobrang nasa kondisyon ang katawan ko. Matapos kong makaligo ay saka lang ako bumaba pero ni isa ay walang tao rito.
"My!" pagtawag ko pa pero wala akong nakuhang sagot.
Agad akong nagtungo sa kusina at nakita ko ang ilang mga pinaglutuan dito. May mga nakalabas ding mga bagong utensils na nakatago sa cupboard. Niligpit ko muna ang ilang mga naiwang gamit dito at hinugasan ang mga gamit-panluto. Nang maayos ko na ang lahat ay saka lang ako tumungo sa likod-bahay at nakita ko naman sina Mommy sa may pool area at may nakalatag pang picnic mat na may mga iba't ibang tupperwares pati na rin mga plato at baso ro'n.
Nakangiti akong sinalubong ni Mommy at inipit pa ang mga hibla ng buhok ko sa kanang tenga ko.
"Good morning, anak," bati niya at iginiya ako papalapit sa poolside.
"Good morning, Daniella," salubong sa'kin ni Dad. Nginitian lang naman ako ni Kuya paglapit ko. "How's your sleep?" habol na tanong ni Dad.
"It's okay, Dad," nakangiti ring sagot ko.
Sabay-sabay kaming kumain at napuno rin ng kwentuhan ang almusal namin. Napuno ng tawanan ang hardin namin ngayong umagang 'to. Super sarap ng feeling ko ngayon dahil ngayon na lang namin ulit nagawa 'yong mga ganito.
Sa kalagitnaan ng masayang kwentuhan namin ay nakaramdam ako ng sakit ng ulo, hindi 'to normal na bastang sakit lang. Mas masakit pa 'to sa naramdaman ko no'ng School Fest.
"Aahh!" paulit-ulit kong daing. Nakita ko ang labis na pag-aalala sa mga mukha nilang tatlo. Naririnig ko ang pag-uusap nilang tatlo pero hindi na 'yon malinaw sa pandinig ko. Mas nangingibabaw sa'kin ngayon ang sakit na nararamdaman ko. Ilang ulit pa ang naging pagdaing ko at makalipas ang ilang saglit ay bigla na lang nagdilim ang paningin ko at may kung ano-anong senaryo akong nakikita sa isip ko pero malabo ang lahat ng mga 'yon. Nagpatuloy pa 'yon at mas tumindi pa lalo ang pagsakit ng ulo ko.
Maya-maya lang ay nakaramdam ako ng katamtamang pagkirot sa braso ko na siyang nagpamanhid sa buong katawan ko.
'Ano bang nangyayari?'
Hindi ko na naramdaman ang mga sumunod na nangyari at tuluyan na akong nawalan ng malay.
******
Pagmulat ng mga mata ko ay puting kisame ang sumalubong sa diwa ko. Gustuhin ko mang ilibot ang mga mata ko rito ay hindi ko magawa dahil hindi nakikisabay ang katawan ko. Masyado akong nanghihina ngayon at hindi ko pa rin maramdaman ang katawan ko.
Wala akong naririnig na kahit anong boses dito sa loob ng kwarto kaya naman pumikit na lang muna ako. Ngunit maya-maya lang ay narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto kaya naman agad kong idinilat muli ang mga mata ko.
"Anak," dinig ko sa boses na iyon kasabay ang mariing paghawak sa kamay ko at natanaw ko ang naluluhang hitsura ni Mommy. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?"
Tumango lang ako bilang sagot dahil gustuhin ko mang magsalita ay sadyang hindi ko kaya. Ang totoo ay hindi pa naman talaga nawawala ang pananakit ng ulo ko pero hindi na 'yon katulad nang kanina.
Pinilit ko na lang itago ang sakit na nararamdaman ko at mukhang nagtagumpay naman ako dahil wala namang nakapapansin. Ilang ulit pang ngumiwi ang mukha ko dahil sa sobrang kirot ng ulo ko. Nang ibaling ko ang ulo ko pakanan ay saka ko lang nakita sina Mommy, Daddy at Kuya na kinakausap ng doktor. Nang mapansin ni Mommy na nakatingin ako sa kanya ay agad siyang lumapit muli sa'kin.
BINABASA MO ANG
MAALALA MO SANA
Fiksi RemajaEven if you don't remember our past, I promise you that we will create new memories together. We will make the most unforgettable memories that you will never ever forget.