*Kathryn's POV*
Pagdating ko sa bahay ay sinalubong agad ako ni Kuya.
"Kumain na tayo. Mamaya natin pag-usapan 'yan," bungad niya sa'kin pagpasok ko pa lang sa pintuan at sumunod na lang ako kung saan siya papunta. Dumirets kami sa dining room at nadatnan namin do'n sina Mommy at Daddy.
"Kain na, Daniella," bungad ni Dad nang mapansin niya kami.
Pagkatapos naming kumain ay agad na rin akong pumunta sa kwarto ko. Gumawa muna 'ko ng assignments and projects.
Nang matapos ko ang lahat ng mga kailangan kong gawin ay umupo na ako sa kama ko at kinuha ang teddy bear na niregalo niya sa'kin no'ng first monthsary namin. Tila ba tumigil ang mundo ko sa mga sandaling 'yon dahil mataman kong tinitigan ang laruang 'yon; nang bumalik ako sa reyalidad ay sunod ko namang kinuha ang picture namin na nasa frame sa bedside table ko at niyakap ko ang dalawang 'yon.
Gabi-gabi ay ganito ang scenario rito sa kwarto ko. Nababalot ng kalungkutan 'tong buong kwarto na 'to. Sa loob ng kwartong 'to, rito ko binubuhos lahat ng sakit at pangungulila ko. Ito ang saksi sa gabi-gabing pag-iyak at pangungulila ko sa kanya.
"I miss you and I love you so much, Kurt. Please, bumalik ka na," sambit ko sa pagitan ng bawat paghikbi.
Hanggang ngayon, hindi pa rin napapagod 'yong mga mata ko sa kaiiyak. Hanggang ngayon, hindi pa rin napapagod 'yong utak ko sa kaiisip. Hindi pa rin ako napapagod na maghintay sa kanya. Hinding-hindi ako mapapagod at magsasawang mahalin siya. Dahil gaya nang ipinangako ko sa kanya, hinding-hindi ko siya iiwan.
Binuksan ko 'yong bedside table ko at kinuha ko mula ro'n ang isang papel. Ito 'yong sulat na ibinigay niya sa'kin no'ng first monthsary namin. Binuksan ko 'yon at binasa ko ulit.
Dear Kathryn Daniella,
Hello nga pala sa babaeng pinakamamahal ko bukod kay Mama. Ang ganda mo po tapos ang gwapo ko kaya bagay tayo. Mahal na mahal kita. From bestfriends to lovers, strong natin. Hahaha! Grabe wala akong masabi. Ang pogi ko talaga.
Basta ayon, thank you kasi dumating ka sa buhay ko. Thank you for being the best bestfriend and especially for being the best girlfriend in the world. Thank you kasi laging nauubos yung pera ko dahil sa favorite nating ice cream. Thank you for being my inspiration. Thank you for always being here by my side especially during the days na kailangan kita. Thank you kasi lagi mo akong pinapasaya. Thank you kasi dumating ka sa buhay ko.
Sorry nga pala kung minsan napaka-moody ko. Sorry kung minsan sinusungitan kita, gutom lang ako kapag gano'n. Hahaha! Hindi mo kasi ako nililibre. Laging ubos pera ko sa'yo pero worth it naman. Sorry kung minsan tinatamad ako makinig sa mga kwento mo. Nakakainis kasi, eh, ang dami mo laging kwento, di naman ako maka-relate. Lahat nalang kasi kinukwento mo sakin, eh. Kulang na lang pati paghinga, pagligo at pagtae mo, eh, ikwento mo sa'kin. Basta, wala na kong masabi pati tinatamad na 'ko magsulat, eh. Grabe ka! First time ko gumawa ng letter.
Again, mahal na mahal kita at pangako, ah, walang iwanan. 'Yon, Happy First Monthsary sa'tin. More monthsaries to come. Stay strong sa'ting dalawa. Mahal na mahal kita. Wala na 'kong masabi, basta mahal na mahal kita. Hahaha! Ang redundant ko kainis. I love you ulit. Mahal na mahal kita. Dapat may sulat ka rin para sa'kin, ah, para hindi ako lugi.
I love you and Happy First Monthsary to us.Love,
Kurt AnthonyMarami pa siyang mga ibinigay na letters sa'kin noon pero ito talaga 'yong pinaka-memorable kasi first letter 'yan na ginawa niya.
Pumunta ako sa terrace ng kwarto ko and I started staring at the bright stars in the sky. Dala-dala ko 'yong dalawang bagay na pinakanakakapagpaalala sa'kin sa kanya. Niyakap ko 'yon habang nakatingin sa mga bituin at umiiyak. Araw-araw ay nangungulila ako sa kanya. For 5 years, walang araw na hindi ako umiyak, walang araw na hindi ko siya naiisip pero hindi dumating 'yong araw na sumagi sa isip kong sumuko na.
BINABASA MO ANG
MAALALA MO SANA
Fiksi RemajaEven if you don't remember our past, I promise you that we will create new memories together. We will make the most unforgettable memories that you will never ever forget.