*Kathryn's POV*
Bzzztt.. Bzzttt....
1 message received
From: Lauren
'Beh, punta ako r'yan sa inyo after lunch. Shopping tayo and overnight ako r'yan :)'Nag reply naman ako.
'Sige. See you later :)'Naligo na muna ako. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto ko at sakto naman na pagbukas ko ng pinto ay nagbukas rin si Kuya Christian ng pinto niya. Bagong gising pa lang siya kasi gulo-gulo pa 'yong buhok niya saka mapungay pa 'yong mga mata niya na kinusot-kusot pa niya.
"Morning," bati niya sakin nang nakangiti sabay hikab.
"Morning," pabalik na bati ko sa kanya. Lumapit naman siya sa'kin at inakbayan ako.
"Pupunta rito si Sam mamaya," masayang sabi niya.
"Kaya naman pala masaya ang gising, eh," tukso ko sa kanya. "Nagpuyatan kayo kagabi kaya tanghali ka nang nagising, 'no?" may tono ng pang-aasar na tanong ko. Lagi kasi silang nagpupuyat ni Ate Sam every Friday and Saturday nights.
Imbes na sumagot sa tanong ko ay tumawa lang siya at bumaba na kami habang nakaakbay pa rin siya sa'kin.
"Hay naku kayong dalawa. Kumain na kayo, tanghali na naman kayong gumising," bungad agad sa'min ni Mommy pagbaba namin.
"Sorry, My (mi). Napuyat po ako, eh," pagpapaliwanag ni Kuya.
"Ako rin po. Ang dami ko pong ginawang projects," sabi ko naman.
"Maraming ginawang projects o umiyak na naman magdamag?" pang-aasar niya kaya tiningnan ko siya nang masama. Makuha ka sa tingin! "Joke lang. Ito naman di na mabiro," pagbawi niya sabay tawa.
"O, siya, tama na yan. Kumain na kayo," saway ni Mommy kaya pumunta na kami ni Kuya sa kusina para kumain.
Wow! Bacon! My favorite! Ayy favorite pala namin ni Kuya.
Kukuha pa lang sana ako pero inunahan na ako ni Kuya. Kumuha siya nang marami at konti na lang yung tinira sakin tapos nginitian ako nang mapang-asar. Kainis talaga 'to!
"Penge pa ko! Ang konti ng tinira mo sa'kin," sabi ko tapos kukuha sana 'ko ng bacon sa plato niya pero nilayo niya 'yon.
"Nauna kong nakuha 'to' eh. Bagal mo kasi," pang-iinis pa niya.
"Isusumbong talaga kita kay Ate Sam," sabi ko.
"Edi isumbong mo," sabi niya at nagsimula nang kumain kaya kumain na lang rin ako. Kainis talaga 'to, eh.
BINABASA MO ANG
MAALALA MO SANA
Teen FictionEven if you don't remember our past, I promise you that we will create new memories together. We will make the most unforgettable memories that you will never ever forget.