Chapter 15: NECKLACE

1.3K 43 12
                                    

*Kathryn's POV*

"Kath! Magkwento ka, dali. Anong nangyari?" pangungulit ni Lauren with matching yugyog pa.

"Tumigil ka nga. Walang nangyari, ok?!" inis na sagot ko. Nandito kasi kami sa library at ang gulo-gulo nitong babaeng 'to.

"Dali na, Kathryn. Magkwento ka na!"

"Yah! Lauren, could you please just stop that?! I'm studying."

"Yeah, I know pero sige na kasi. Magkwento ka muna."

"Lauren, may mga masasayang bagay na hindi na dapat sinasabi sa iba. They're too good to share," sagot ko at nginitian ko na lang siya.

"All right, then. Ganyan ka naman, eh. Simula no'ng bumalik 'yong Kurt na 'yon, pinagpalit mo na talaga 'ko sa kanya," sabi niya at umarteng nagpupunas ng invisible niyang luha.

"Nasa'n 'yong luha?"

"Wala, napunasan ko na."

"Wala naman akong nakita."

"Syempre napunasan ko na nga. Hindi mo na talaga 'yon makikita."

"Tsss. Whatever."

******

"Yah! Ate Sam."

"Kath! How's school?"

"Masaya kasi nakipagkita na naman siya kay Kurt," sabat ni Kuya. Epal talaga 'to kahit kelan.

"Makikita ko talaga 'yon. Do'n siya nag-aaral, eh," sagot ko.

"Burnnn! Ano rebat?!" asar naman ni Ate Sam sabay tawa.

"Sige pagtulungan niyo na naman akong dalawa." -Kuya

"Nasa'n nga pala sina Mommy?" -ako

"May business tour si Dad tapos sinama niya si Mommy. Sa Sunday pa ang uwi nila." -Kuya

"Sa kwarto ko matutulog si Ate Sam," sabi ko at tiningnan ko nang masama si Kuya. "Ayoko pang magkaroon ng pamangkin."

"Ohhoooo!" sabay naman silang napaubo kaya tiningnan ko sila pareho and guess what! Pulang-pula 'yong pisngi nilang dalawa. HAHAHA!

Pagtapos naming kumain, nanood muna kami ni Ate Sam ng KDrama, Fight For My Way (A/N: Sino dito KDrama fan at shipper ng SeoWon #AegyoCouple. Kaway-kaway! Mahal ko kayo.....), si Kuya naman nasa kusina at naghuhugas ng mga plato. Nagpapa-impress.

"Yaahhhh! Ang cute talaga nilang dalawa. Bagay na bagay sila. Nakakakilig!" -ako

MAALALA MO SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon