Chapter 22: JUST THE TWO OF US

609 17 3
                                    

*Kathryn's POV*

"I'm sorry for what happened earlier," bungad ko agad nang sagutin ni Kurt ang tawag ko.

[Wala 'yon. Just forget about it. Basta wag mo na lang isipin 'yong lalaking 'yon. Isa lang siya sa mga stalkers mo. Kaya kailangan mong mag-ingat sa mga taong makakasalubong at makakasalamuha mo. Don't worry nandito lang ako lagi sa tabi mo, I'll escort you wherever you go.]

"Kahit sa CR?" tanong ko and I bursted in laughter. Nakitawa rin ang loko.

[Why not? Nothing is impossible to a willing heart, Kath. Gaya nga ng sabi ko, I'll escort you wherever you go. I promise.]

"Ok. Hahahaha! Well, thank you," sagot ko and a full smile suddenly appeared on my lips.

[You're always welcome. So, how's your wound? Masakit pa ba?]

"Medyo," sabi ko at tiningnan ko 'yong talampakan kong may patches. "Makirot pa rin siya actually pero hindi na katulad no'ng kanina," I answered.

[Good to hear that. Just be more careful next time.]

"Yes, sir," I gagged and I heard some laughter on the other line.

We spent more hours talking over the phone before we decided to sleep.

******

"Kath!" sigaw ni Lauren pagkakita pa lang namin sa mall habang tumatakbo at niyakap ako nang mahigpit. Nagtinginan tuloy sa'min 'yong mga tao.

"Grabe, hindi mo naman ako na-miss, 'no?!" pang-aasar ko at saka ko rin siya niyakap.

"Hindi naman masyado. Medyo lang," she said then she laughed.

Kumalas ako sa pagkakayakap namin at nagsimula na kaming maglakad. "So, how's your trip? Nasa'n 'yong pasalubong ko?"

"Ito, super enjoy. Na-enjoy ko 'yong trip namin kasi buti na lang at pumayag sina Mommy na sa condo na lang ako tumira. So ayon, laboy to the max ang peg ko sa Japan. For the second time, nakaranas na naman ako ng snow. Akala ko hindi ko na ulit masisilayan ang actual cherry blossom but I got a chance to see it again and it's so beautiful. Alam mo ba kung ano 'yong pinakamagandang naranasan ko ro'n? I met a guy next to my unit and he's so handsome. Those brown chinito eyes of him, his medyo pointed nose and those red lips of him. Omygosh! Gusto ko tuloy bumalik sa Osaka at iuwi rito si Aki," kwento niya habang nakangiti na parang ewan. Mahigit two months din silang nag-stay sa Japan kasi may project sinaa Tito Lucas do'n, her Dad, architect kasi si Tito.

"So anong meron do'n sa Aki na 'yon? Anong nangyari sa inyo?"

"Walang nangyari sa'min, Kath. I'm still virgin! Kaloka 'to!" she yelled. Binatukan ko nga ang loka.

"Sira ka talaga. That's not what I meant. Pa'no kayo nagkakilala no'ng Aki na 'yon?"

MAALALA MO SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon