Chapter 10: STARTING ALL OVER AGAIN

1.7K 70 11
                                    

*Kathryn's POV*

It's been a week after no'ng unexpected happenings sa music hall. After no'ng pangyayaring 'yon, naging magkaibigan kami sa patingin niya dahil ang hindi niya alam ay girlfriend niya ako. Alam na rin ni Kuya 'yong about dito pati na ang parents ko, alam na rin nila.

Lahat kami ay nagpapanggap. Nagpapanggap na it was our first time to meet him. Ang hirap-hirap palang magpanggap na hindi mo kilala ang taong mahal na mahal mo. Pero ok lang, ang importante ay nandito siya. Alam ko naman na darating ang araw na maaalala niya rin kami at kung hindi man, gagawa kami ng mga bagong alaala na tiyak na hindi niya makakalimutan.

Nandito kami ngayon ni Kurt sa tambayan namin, sa mini park sa likod ng school. Lunch break na kasi. Kaming dalawa lang ni Kurt ang nandito, wala si Lauren kasi kasama niya si Kuya Bryan, 'yong bestfriend ni Kuya.

"Hanggang ngayon pala favorite mo pa rin 'yang Cream-O," sabi ko. Pa'no ba naman kasi, araw-araw siyang may baon na isang balot ng Cream-O tapos kulang pa 'yon sa kanya. Nakakatawa lang kasi college na kami tapos may baon pa siyang isang balot ng biskwit.

"Huh?!"

"Ahh, wala. Penge nga," sabi ko at iaabot niya na sa'kin 'yong isa pero bigla niyang binawi.

"Kiss ko muna?!" sabi niya habang tinuturo yung pisngi niya.

"Perv!" sabi ko at pinaghahampas ko siya sa braso.

"Bakit? Friendly kiss lang naman 'yong hinihingi ko, ah," sabi niya sabay pout. Ang sweet niya pa rin hanggang ngayon.

"Baliw!" nagtatampo kunwareng sabi ko. Pero sa totoo lang, hindi ako nagtatampo kasi masaya ako. Masaya 'ko na kasama ko na siya kahit na hindi niya ako naaalala.

He bursted in laughter. Anong nakakatawa?

"Anong nakakatawa?" nagkunware akong nagsusungit at nag-cross arms pa.

"Para ka kasing nalugi. Or should I say, para kang batang inagawan ng candy ng kalaro niya. Hahaha!" I miss those laughter. "Your face was so epic. Hahaha!"

"Arghh!" sigaw ko at sinabunutan ko siya. Pero slight lang, hindi ko naman kayang saktan ang mahal ko.

"Ohh! Dalawa na 'yan ah. Hahaha!" sabay abot sa'kin ng dalawang Cream-O.

"Ayoko."

"Sige bahala ka," ibabalik na sana niya sa balutan 'yong dalawang Cream-O kaya inagaw ko na.

"Joke lang naman."

Biglang tinago nang mabilis ni Kurt 'yong Cream-O sa bag niya. At mukhang alam ko na kung bakit.

"Hello there!" si Lauren.

"Ahh h-hello." sabi ni Kurt. Nagsa-stutter na naman siya. Hahaha! Lagot ka na. Huli ka ngayon!

"Stuttering again?" puna ni Lauren habang nakangiti na parang may gagawing masama. "Patingin ng bag."

"W-why?!" patay ka na, Kurt. Labas mo na 'yang Cream-O mo. Hahaha!

Inagaw naman ni Lauren 'yong bag ni Kurt.

"Sabi na nga ba't may tinatago ka na naman, eh. Sa'kin na lang 'to, ah! Bye!" sigaw ni Lauren sabay alis.

MAALALA MO SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon