Chapter 40: ENCOUNTER

32 3 0
                                    

*Kurt's POV*

"Anong ginawa sa'yo no'ng g*gong Edmark na 'yon?!" galit na tanong ko kay Pauline nang sabihin niya sa'kin na pinuntahan siya ni Edmark dito. Hayop talaga 'yong lalaking 'yon.

"Wala naman siyang ginawa sa'kin. Kinwelyuhan niya lang ako pero hindi naman ako nasaktan, so you have nothing to worry about," sagot ni Pauline at hinaplos-haplos pa ang likod ko para pakalmahin ako.

"G*go talaga 'yong Edmark na 'yon kahit kelan, masasaktan talaga siya sa'kin kapag nakita ko siyang hayop siya," nanggigigil na sabi ko at hinaplos niya lang ako sa likod.

"Stop it, babe. Hayaan mo na 'yong Edmark na 'yon. Just leave it to me, ako na ang bahala. Maaayos na rin naman natin lahat, eh, konting-konti na lang matatapos na rin lahat ng 'to, babe."

"Sabihin mo sa'kin kapag sinaktan o nilapitan ka pa ulit no'ng Edmark na 'yon, ah. Babasagin ko talaga ang pagmumukha niya."

"Hey," mahinahon ang boses niya ngayon, halatang pinapahinahon din ang nanggagalaiti kong nararamdaman ngayon. "Just relax, okay?" malambing na sabi niya habang hinahaplos ako sa pisngi.

Ilang araw na rin akong dito nag-i-i-stay sa condo unit ni Pauline para hindi na makaasta pa 'yong Edmark na 'yon kung sakaling maisipan niya na namang pumunta rito. Sabay na rin kami minsan kung umuwi kapag nagkakasabay ang schedule ng uwi namin.

Mas okay na rin sa aking ganitong magkasama kami sa bahay para mas marami kaming quality time para sa isa't isa. Hindi na rin naman bago sa amin ang ganito dahil no'ng nasa States pa kami ay madalas din naman kaming magkasama sa bahay.

"Babe, do you want to go out tonight?" tanong sa'kin ni Pauline habang nanonood kami ng paborito niyang mga K-Drama. Nakikinood na lang din ako dahil paniguradong magtatampo na naman 'to kapag hindi ko siya sinamahang manood.

"Oo naman, sige," pagsang-ayon ko sa kanya kaya naman mas lalo siyang lumapit sa akin saka pumulupot sa braso ko. "Saan mo ba gustong pumunta?"

"Somewhere that is relaxing and gusto ko sa lugar na mahangin," sagot niya habang tutok pa rin sa TV ang paningin, tinanaw ko pa ang mukha niya at nang mapansin niya ako ay bigla niya akong sinunggaban ng halik sa labi.

"Okay, sige pero kumain muna tayo sa labas."

Matapos naming makapananghalian ay nagpahinga muna kami sa kwarto niya. Hindi naman ako inaantok kaya pinanood ko na lamang siya habang natutulog. Napakaganda niya talaga, walang pagbabago, mas lalo pa nga siyang gumaganda sa bawat araw na lumilipas.

I met Pauline sa States years ago before we became friends for quite some years at habang tumatagal ay doon ko naramdaman na unti-unti na palang nahuhulog ang loob ko sa kanya. She's always been so supportive on me at talagang ipinaparamdam niya sa akin kung gaano niya ako kamahal.

MAALALA MO SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon