*Kathryn's POV*
Third year of our college life ended and everything seems to passed by swiftly. Parang kailan lang ay mga jejemon pa kaming dalawa ni Lauren at nagpapakaadik sa Retrica samantalang ngayon ay heto na kami at malapit na malapit nang maabot ang mga future careers namin.
"Isang taon na lang, graduate na tayo!" tumatalon-talon pang saad ni Lauren habang niyuyugyog ang braso ko. "Tapos wala pa 'kong love life," sarkastiko niyang sabi saka napaka-tsk pa ang loka.
"Wala kang love life?" nang-iintriga kong tanong. I am talking about Aki at mukhang nakuha niya naman agad ang ibig kong sabihin.
"He's not the one," diretso niyang sabi kaya kunot-noong napatingin ako sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"He's just some sort of another disappointment," she answered as if normal na normal lang ang mga nangyayari. I saw Aki as a good man kaya nakapagtataka 'yong mga pinagsasasabi ni Lauren ngayon.
"Another disappointment?" pag-uulit ko sa huling sinabi niya sa tonong nagtatanong and at the same time, naiinis.
"Wag mo na nga lang pansinin 'yon, tara na," yaya niya sa akin matapos niyang mailagay sa maleta niya ang huling damit na nakapatong sa kama niya kanina. Sumunod na lang din ako sa kanya at nag-taxi na lang kami papunta sa bahay.
Magbabakasyon kaming pamilya sa Baguio nang isang linggo at nagprisinta si Lauren na sasama raw siya samantalang si Kurt naman ay sina Mommy pa ang nagyaya. Medyo mainit na rin ang panahon ngayon dito sa Manila kaya naman saktong-sakto ang pagbabakasyon namin sa Baguio.
Nang makarating kami sa bahay ay naroon na silang tatlo sa sala at mukhang hinihintay na nga kami. Agad na lumapit sa amin si Mommy samantalang sina Daddy at Kuya ay sinimulan na ang pagdadala ng mga gamit nila sa kotse.
"Anak, male-late raw si Kurt dahil may pinuntahan pa siya. Ang pangit naman kung mag-isa lang siyang magbi-byahe, so ikaw na lang ang sumabay sa kanya. Hintayin mo na lang siya rito," sabi ni Mommy.
"Mag-iingat kayo, anak, ah. Mag-ayos ka na rin ng gamit mo para pagdating niya, eh, aalis na lang kayo," bilin naman ni Daddy.
"Bakit hindi na lang tayo magsabay-sabay?" naguguluhan kong tanong sa kanila.
"Magdadala nga kasi ng sasakyan si Kurt kaya useless lang din kung hihintayin natin siya pare-pareho, mauuna na kami kasi magkikita-kita rin naman tayo ro'n," sagot naman ni Kuya.
"Ayaw mo pa no'n? Masosolo mo nang matagal 'yong jowa mo," mapang-asar ang tono ni Lauren saka ako nilapitan at siniko nang bahagya sa braso.
"Hindi ko 'yon jowa," depensa ko.
"Malapit na," nakangising saad niya saka tumulong kina Mommy sa paglagay ng mga maleta nila sa kotse.
BINABASA MO ANG
MAALALA MO SANA
JugendliteraturEven if you don't remember our past, I promise you that we will create new memories together. We will make the most unforgettable memories that you will never ever forget.