Chapter 20: RANDOM THOUGHTS

646 23 3
                                    

*Kathryn's POV*

Nandito ako ngayon sa park na lagi naming pinupuntahan ni Kurt. Dito ako umupo sa bench na lagi naming inuupuan dati. Maya-maya ay tumayo ako at tiningnan ko 'yong nakaukit na pangalan namin ni Kurt.

'Kurt and Kath Forever'

Hinimas ko ito at saka ako nakaramdam ng kirot sa dibdib ko.

"Bakit gano'n? Bakit parang hindi ikaw 'yong Kurt na nakilala ko? Bakit hindi ko nararamdaman na ikaw 'yong Kurt na minahal ko?"

Oo, no'ng una kong siyang nakita ulit ay sobra-sobrang tuwa ang naramdaman ko pero habang tumatagal, hindi ko alam pero parang may kulang. Parang may mali.

******

Pagtapos naming kumain ng hapunan, umakyat agad ako sa kwarto ko at dumiretso ako sa terrace.

Tumingin ako sa langit at kumirot na naman ang puso ko.

Alam mo 'yong feeling na parang nangungulila ka? Gano'n 'yong nararamdaman ko ngayon.

Para bang may malaking parte sa buhay ko na nawala. 'Yong para bang may kulang sa buhay ko.

Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman 'to. At alam ko na hindi ko na dapat 'to nararamdaman.

Sa kalagitnaan ng pagse-senti ko ay naalala ko na naman 'yong Edmark na 'yon. Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung ano ba 'tong nararamdaman ko at kung tama ba 'to.

Nung nakita ko ang pangalan niya ro'n sa box na pinadala niya rito, nakaramdam ako ng saya. My heart beats so fast, para bang tumatalon ito dahil sa sobrang saya, as if it's going to explode.

I'm so confused. Hindi ko alam kung bakit ba ganito ang nararamdaman ko.

Pati 'yong lalaki sa Music Hall. No'ng niyakap niya 'ko, I felt the same feeling na naramdaman ko no'ng nakita ko 'yong pangalan no'ng Edmark na 'yon. I felt something special, I'm so comfortable habang yakap-yakap niya ako, feeling ko matagal ko na siyang kilala.

Is it even possible na 'yong lalaki sa Music Hall at si Edmark ay iisa?

I wanted to see them. I wanted to see them so bad.

******

*Kurt's POV*

"Anong ginagawa mo rito?!" pasigaw na tanong ko sa lalaking kaharap ko ngayon. "Bakit ba bumalik ka pa, ha?!"

"Para kunin ang dapat na sa'kin," matapang na sagot niya at akmang tatalikod na sana siya pero dinakma ko siya sa braso at sinuntok ko siya sa mukha. Pinunasan niya 'yong dugo sa gilid ng labi niya saka ngumiti. "D'yan ka naman magaling, 'di ba? Ang angkinin ang mga bagay na sa'kin, ang kunin ang lahat ng pinaghirapan ko!"

"Pinaghirapan mo?" tinawanan ko siya nang mapang-asar. "Pinaghirapan mo lang pero sa'kin lahat 'yon. Bakit, sino ba si Kurt? Ako!"

"Wala akong pakielam kung sino ba sa'ting dalawa si Kurt. Gagawin ko ang lahat para maayos ko 'to. Ginawa ko 'to, ginawa namin 'to nina Mommy para sa'yo!"

"Ginusto mo yan! Ginusto niyo! Bakit, wala naman akong sinabing gawin niyo 'yon, 'di ba?! Choice niyo 'yon! Katangahan niyong tatlo 'yon!"

MAALALA MO SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon