Sabi ng Mommy noon, kapag daw may mga bagay kaming gustong mangyari, kailangan daw naming ipagdasal 'yon at manghingi ng guidance from Him pero hindi raw 'yon doon natatapos dahil kami pa rin ang kailangang kumilos para makamit namin ang mga bagay na 'yon.
Walang madali sa buhay, 'yan ang isa sa mga sinabi ng Mommy na napatunayan ko mismo sa sarili ko. Lahat ng bagay ay mahirap, lahat ay kailangang paghirapan para mas mapahalagahan mo ang magiging bunga nito pero madalas ay maraming dumarating na hindi natin inaasahan.
Noong unang beses na nalaman ni Kathryn ang totoo, akala ko ay magagalit siya sa'kin dahil siya pa mismo ang nakaalam ng totoo. Aksidente lang ang pangyayaring 'yon na naabutan niya kaming dalawa ni Kurt na nagtatalo sa apartment na tinitirhan ko noon pero gaya nga ng sabi ng Mommy ay nangyayari ang mga bagay sa tamang pagkakataon at tamang tyempo. Na hindi totoo ang coincidence dahil ang mga bagay na dumarating sa buhay natin ay will ng Lord para sa'tin on His perfect time.
Naging maayos ang lahat matapos malaman ni Kathryn ang totoo. Doon nagsimulang maging totoo ang lahat sa buhay ko. Siya ang nag-iisang totoo sa buhay ko at sobrang saya ko dahil nagawa niya pa rin akong tanggapin kahit nagsinungaling ako sa kanya, sa kanilang lahat.
Isang masamang balita ang nagpaguho ng mundo ko. Tinawagan ako ni Tito Danilo para sabihin sa'king naaksidente ang pamilya nina Kathryn nang pauwi sila galing sa bakasyon. Agad akong pinuntahan ni Tito sa apartment ko at sabay kaming nagpunta sa ospital.
Sobrang kaba na ang nararamdaman ko habang naglalakad kami sa hallway. Nang makapasok kami sa isang kwarto ay halos nanghina ako nang makita ko si Kathryn na nakahiga sa kama at iba't ibang tubo ang nakakonekta sa kanya. Si Faye ang naabutan kong nagbabantay rito at maging siya ay umiiyak din habang tutok lang ang mga mata kay Kathryn.
"Si Kathryn ang napuruhan sa kanilang apat. Sa backseat sa pwesto niya raw kasi saktong bumundol ang truck," ani Tito pero hindi ko na pinakinggan pa ang sinabi niya. Nakatutok lang ang buong atensyon ko kay Kathryn. Ito ba ang sinasabi ng Mommy na tamang tyempo? Kung ito man 'yon, anong dahilan para mangyari 'to?
Kahit na pinipilit nila akong umuwi muna ay hindi ako sumunod sa kanilang lahat. Ayokong iwanan si Kathryn hangga't hindi ko siya nakikitang magising. Gusto ko ay nandito lang ako hanggang sa idilat niya ang mga mata niya.
BINABASA MO ANG
MAALALA MO SANA
Teen FictionEven if you don't remember our past, I promise you that we will create new memories together. We will make the most unforgettable memories that you will never ever forget.