*Kathryn's POV*
"OMG! Hi Kurt!" masiglang bati ni Mommy pagpasok pa lang namin ni Kurt, galing siya sa kusina.
"Hi, Tita. How are you?"
"Ok naman ako, hijo. Ikaw?"
"More than okay, Tita," nakangiting sagot ni Kurt.
"Hi, My (mi)," sabi ko at tumikhim ako pagtapos. 'Di man lang ako pinapansin, ah.
"Hi, Daniella. Umakyat ka na sa taas at mag-ayos ka na. Baka ma-late pa kayo," sabi niya sa'kin at bumaling agad kay Kurt. "Oh, hijo, ikaw, bakit hindi ka pa nagbibihis? Hay naku!"
"Ayon nga po, Tita. May I use the comfort room po?"
"Aba, syempre naman, anak. Diretso ka lang d'yan tapos turn left," pag-a-assist ni Mommy kay Kurt.
"Makapagbihis na nga!" malakas na sabi ko kaya napatingin naman sa'kin si Mommy at tinawanan lang ako.
"Sige na, anak. Susunod ako pagtapos ni Kurt dito," sagot niya na tatawa-tawa pa.
Gaya nga ng sinabi ni Mommy ay umakyat na ako sa kwarto ko at binuksan ko na ang box na may lamang dress na pinatahi namin last week.
"Wow," naiusal ko na lang matapos kong makita ang kabuuan nito.
Matapos kong maligo ay isinuot ko na itong dress at sakto namang may kumatok sa pinto.
"Need help?" nakangiting tanong ni Mommy nang buksan niya ang pinto.
"Yes, My (mi), please," parang batang naisagot ko na lang. Agad naman siyang lumapit sa'kin at isinara ang zipper nitong dress ko.
Halos kalahating oras din akong inayusan ni Mommy. Hindi na namin kailangan pa ng hair and makeup artist dahil si Mommy pa lang, kering-keri na. Kung hindi niyo naitatanong ay kikay talaga 'to si Mommy. Fashionista kumbaga.
"Napakaganda mo, anak," nakangiting sabi ni Mommy habang tinitingnan niya ang kabuuan ko.
"Kanino pa ba magmamana?" natutuwang sambit ko.
"Syempre sa tatay mo," mahinang sagot niya pero sakto lang para marinig ko. Wait! Tatay? Pero, Dad or Daddy ang tawag niya kay Dad at ang pinakapinagtataka ko ay nang biglang lumungkot ang mga mata niya matapos niyang banggitin 'yon. Hindi ko na lang muna ito pinansin at lumapit na ako sa kanya. Nang makalapit ako ay inakbayan ko siya.
"Syempre sayo rin," sambit ko.
"Ano ka ba, Daniella? Magugulo 'yang damit mo," nagrereklamong sabi niya at tinanggal ang kamay ko sa balikat niya saka pinagpagan ang dress ko. "Halika na nga at kanina pa naghihintay si Kurt sa baba," dagdag niya pa at nauna nang lumabas ng kwarto ko.
"Kuurtt!" narinig kong tili ni Mommy mula sa baba. Hay naku! Kahit kelan talaga 'to si Mommy.
Nasa kalagitnaan pa lang ako ng hagdanan ay natanaw ko na sina Mommy at Kurt na nakaabang sa pinakababang bahagi ng hagdan, pareho silang nakatingin sa'kin habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
MAALALA MO SANA
Teen FictionEven if you don't remember our past, I promise you that we will create new memories together. We will make the most unforgettable memories that you will never ever forget.