Chapter 37: HOLIDAYS (Part 1)

48 2 4
                                    

*Kathryn's POV*

"Kathryn," banggit ni Kurt ng pangalan ko nang makaupo ako sa bench dito sa school mini-park. Maaga niya akong sinundo sa bahay kanina dahil may mahalaga raw siyang sasabihin sa'kin ngayon.

"Hmm?" baling ko naman sa kanya at hinarap ko pa siya. He's staring directly at me.

"Gusto kita," diretso ang mga mata sa aking sambit niya. Hindi ko alam kung bakit ganito pero pakiramdam ko parang may kulang. Hindi pa man ako nakakapag-react sa sinabi niya ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bag ko.

"Wait, sasagutin ko lang," sabi ko sa kanya at ipinakita ko pa sa kanya ang screen ng phone ko kung saan naka-register ang pangalan ni Lauren. Lumayo pa muna ako sa kanya bago ko ito sinagot.

"Hello, Lau," bungad ko kaagad pagkasagot ko ng tawag.

[Nasa'n ka?] tanong niya naman sa kabilang linya. Mukhang nagmamadali siya dahil naririnig ko na hinihingal siya.

"Nandito na 'ko sa school. Bakit?"

[Hintayin mo 'ko sa may entrance gate, ah. Samahan mo ako sa library, manghihiram ako ng sample ng lesson plan na gagawin natin.]

"Okay, sige. Ingat ka."

[Okay, salamat. Malapit na ako, ah.] huling sabi niya saka ibinaba ang tawag.

Bumalik naman agad ako sa pwesto namin ni Kurt kanina, nando'n pa rin siya at nang lingunin ko siya ay nakatingin pala siya sa'kin. Nagpaalam na ako sa kanya na kailangan ko pang puntahan si Lauren dahil may daraanan pa kami.

Agad na akong tumungo sa may entrance ng campus at makalipas ang halos limang minuto ay dumating na rin si Lauren.

Dumiretso na agad kami sa library ng Educ Department at nang mahiram na niya ang sadya namin do'n ay pumunta na rin kami sa classroom namin. Marami kasing estudyante sa library kaya halos wala na rin kaming mapwestuhan. Kaunti pa lang ang mga estudyante sa classroom namin para sa first subject namin nang makarating kami rito. Pina-photocopy niya 'yong lesson na 'to kaya nagpasabay na rin ako ng photocopy. Dito na kami sa classroom nagpa-photocopy dahil may mga photocopy machines sa bawat classroom sa buong campus na 'to.

Matapos naming makapagpa-photocopy ay bumalik na kami sa pwesto namin at inaral ang lecture na ito dahil wala pa naman 'yong prof namin at maaga pa naman talaga. Makalipas ang halos kalahating minuto ay pumasok na rin ang prof namin at nagsimula na ang first subject namin para sa araw na ito.

Natapos ang pang-umagang klase namin para sa araw na 'to. Nang palabas na kami ng classroom ay nakita ko si Kurt na nasa tapat ng pintuan ng classroom namin habang nakasandal sa pader. Nang makita niya kami ni Lauren ay bigla siyang umayos ng tayo at lumapit sa amin.

"How's your day?" pambungad na tanong niya sa'kin. Sandali pa akong natigilan dahil ngayon ko lang naalala ang sinabi niya sa'kin kaninang umaga.

"Okay naman," naisagot ko na lang at sabay-sabay na kaming naglakad.

Pagkarating namin sa cafeteria ay si Kurt na ang um-order ng para sa aming tatlo. Sagot niya na rin daw kaya naman tuwang-tuwa na naman si Lauren. Matapos niyang makapag-order ay bumalik na siya rito sa table namin, may dala siyang stick na may number sa taas. Gano'n na kasi 'yong sistema rito sa cafeteria ngayon.

MAALALA MO SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon