*Kathryn's POV*
Pumunta ako sa center table na napaka-memorable sa'ming dalawa. Kumain lang naman kami rito dati dahil ang ingay at ang daming tao sa cafeteria no'ng time na 'yon. May Academies' Basketball League kasi no'n at dito napiling venue. Ayon na nga, bawal naman kasi talagang kumain dito kaso matigas kasi ang ulo naming dalawa ni Kurt at kumain pa rin kami rito kaya ayon, nahuli kami ni Ms. Rivera, ang napakasungit na librarian dito. Pinagalitan niya kami tapos pinalabas kaya sa school park tuloy ang bagsak namin.
Kinuha ko 'yong "Julius Caesar" ni William Shakespeare. Favorite writer ko siya and ang pinaka-favorite kong novel niya is 'yong "Romeo and Juliet", well, I think marami naman ang katulad ko. Pero ito first time ko lang babasahin.
Nagbasa muna ako rito. Ang sarap ding balikan nitong Academy. Ang sarap balik-balikan ng high school memories, eh. Kaso hindi naging gano'n kasaya 'yong last 2 years ko rito dahil nga do'n sa nangyari. After 5 years, ngayon na lang ulit ako nakapasok dito.
Nagulat naman ako nang may biglang tumawag sa'kin. "Ms. Smith, right?" napatingin naman ako sa kung sinumang nagsalita at nakita kong si Ma'am Tanchingco pala, siya 'yong Music Teacher namin nung second year high school kami at siya rin 'yong laging nanunukso sa'min ni Kurt.
"Ah, opo, Ma'am. Kumusta na po?" magiliw na pagbati ko. Grabe! Ang ganda pa rin ni Ma'am. Walang pinagbago, parang hindi siya tumanda.
"Ayos naman. Ikaw kumusta na? Kumusta na kayo ni Mr. Acebron? Ano na nga palang
nangyari sa kanya? I hope he's ok now," sunod-sunod na saad niya na ikinatahimik ko. Nalungkot na lang ako bigla nang marinig ko lahat ng tanong niya. "Is there something wrong?" dugtong niya. Napansin niya siguro 'yong biglang pagbabago ng emosyon ko."Uhmm. Hindi pa rin po kasi kami nagkikita since he left. Wala na po akong balita sa kanya," malungkot na sagot ko.
"Ohh, I'm sorry," apologetic na sabi ni Ma'am Tanchingco.
"It's ok, Ma'am," I answered with a smile. Pinilit ko pa ring ngumiti kahit na hindi ko kaya.
"Sige. I have to go," pagpapaalam niya.
"Sige po," I said and she walked away.
Binalik ko na lang ulit 'yong pansin ko sa librong binabasa ko. Pampalipas-oras lang. Actually, first time ko lang na binasa 'tong novel na 'to, it's Kurt's favorite novel. Adik siya rito, eh.
Nang tamarin na 'kong basahin 'to, pumunta naman ako sa school arena. Ang pinaka-memorable na nangyari sa'min dito ay no'ng ST. FENIRE ACADEMY'S CAMPUS PRINCE AND CAMPUS PRINCESS, it was a competition by two's which is the muse and the escort of each class. Nag-elimination na a week before the finals and four pairs na lang kaming natira to compete for the finals.
******FLASHBACK******
"Tonight is the final competition for the New ST. FENIRE ACADEMY'S CAMPUS PRINCE AND CAMPUS PRINCESS." sabi nung emcee at nagsimula nang maghiyawan 'yong mga estudyanteng nanonood.
Nandito kami ngayon sa backstage dahil nag-aayos pa kami. #2 kami ni Kurt kasi by Year Level ang pagkakasunod-sunod.
BINABASA MO ANG
MAALALA MO SANA
Teen FictionEven if you don't remember our past, I promise you that we will create new memories together. We will make the most unforgettable memories that you will never ever forget.