Chapter 34: FOREWARNING

68 1 0
                                    

*Kathryn's POV*

Isang hindi pamilyar na babae ang sopistikadang naglakad papasok sa classroom namin na siyang ikinagulat ng lahat. Wala kaming narinig na kahit ano mula sa kanya maliban na lang sa lagatok ng over-the-knee high heel boots na suot niya ngayon.

Taas-noo lang siyang naglalakad at tinungo ang upuan na halos katabi ko lang sa likurang parte ng classroom. Tanging katiting na espasyo lang ang pagitan naming dalawa at naramdaman ko pa ang pagdaan niya sa gilid ko.

Matapos ang senaryong 'yon na nakapagpatigil sa mga estudyanteng nandito sa loob ng classroom namin ay agad ding dumating ang professor namin sa pinakaunang subject namin ngayong araw.

Agad niyang tinawag ang babae upang magpakilala sa harapan pero hindi ko na ito pinagkaabalahang tingnan pa.

"Nakakairita naman 'yang takong niya," rinig kong angil ni Lau sa tabi ko.

"I am Pauline Coronel," 'yan agad ang sinabi niya na nakapukaw ng atensyon ko at wala sa sarili akong napatingin sa kanya. "I hope we can build a strong fond here, we can also be friends if you insist," dagdag niya pa at nakita ko ang paglingon niya sa gawi ko nang sabihin niya ang huling linyang 'yon. Napansin ko rin ang paraan niya ng pagngiti na hindi ko nagustuhan dahil para 'tong naghahamon na ewan.

"Pauline Coronel? Siya 'yong nag-friend request sa'tin kahapon, 'di ba?" rinig ko namang sambit ni Lau kaya napatingin ako agad sa kanya nang may nagtatakang mukha.

******

Matapos ang klase namin ay agad akong hinila ni Lau palabas ng classroom namin.

Hindi ako komportable sa bagong kaklase namin at mukhang gano'n din si Lau. May kakaiba sa paraan ng pagngiti at pagtingin niya sa'kin kanina kaya hindi ko nagugustuhan ang presensya niya.

"Paano naman nakapag-transfer dito 'yong babaeng 'yon, eh, halos patapos na ang klase," iritable pa rin ang boses na saad ni Lau matapos niyang ilapag sa table ang tray ng mga binili naming pagkain. Simula kanina ay ganyan na 'yan. Puro angal at tanong, eh, kahit ako naman, hindi ko rin alam ang mga sagot.

"Hindi ko rin alam, Lau. Hay----," hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang may nagsalita sa gilid ng lamesang pinwestuhan namin.

"How are you two?" tanong ni Kurt sa'min kasabay ng paglapag niya ng tray niya na halos kakaunti lang ang lamang pagkain. Hindi naman siya ganito kumain, ah. Mukha namang napansin niya ang paglilipat-lipat ko ng tingin mula sa pagkain niya papunta sa kanyang mukha dahilan para tumawa siya nang bahagya, mukhang naiilang na ewan. "I'm on a diet," tatawa-tawang dagdag niya.

"Diet? Kelan ka pa naging conscious sa figure mo?" nagtataray na tanong ko.

"Always. Kumakain lang naman ako nang marami whenever I'm with you," sagot niya at nagsimula nang sumubo ng pagkain.

"Kasama mo 'ko ngayon, bakit ganyan lang?"

"Should I order more?"

Hindi na lang ako sumagot saka tumayo sa gilid niya para ilipat ang ilang pagkain ko sa tray niya. Ngayon ay mas marami na ang pagkain niya kesa sa laman ng tray ko.

"Better," sambit ko at bumalik na sa upuan ko saka sumubo ng carbonara.

"Eh 'di, ikaw naman ngayon ang kakaunti ang pagkain?" narinig kong komento niya pero hindi ko na lang siya pinansin. "I'll order more na lang."

MAALALA MO SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon