Chapter 19: HIS SORROW

710 24 22
                                    

*Kathryn's POV*

"Edmark?" nagtatakang sambit ko.

Sino ba siya? Bakit niya alam kung saan ako nakatira? Bakit alam niya na favorite ko 'to? Bakit niya ako KILALA?

Iginala ko muna ang mata ko sa paligid at nang makita kong wala namang tao sa tapat ng bahay namin ay saka ko napagdesisyunang pumasok na sa loob.

******

*Christian's POV*

Nandito ako ngayon sa sala, nanonood kasi ako ng basketball. Pake niyo ba?! Joke lang HAHAHA! Ang pogi ko po. *evil laugh*. Ayon nga, hindi ako pumasok kanina dahil do'n sa headache ni Daniella kanina. Hoy! Hindi ako tamad, ah. Natatakot lang kasi talaga ako dahil nga ngayon na lang ulit nangyari sa kanya 'yon. By the way, guys, sobrang pogi ko po talaga! *evil grin* Hoy ikaw! Oo, ikaw na nagbabasa nito, crush mo 'ko, 'no?! HAHAHAHA! Sorry, may Samantha na ako. *winks*

"Oh, Daniella. Na-miss mo na agad ako?" pang-aasar ko sa kanya nang maramdaman kong umupo siya sa tabi ko. Ilang sandali na ang lumipas pero wala pa rin akong sagot na narinig mula sa kanya kaya tiningnan ko siya. Usually kasi ay babarahin ako niyan pero ngayon ay wala man lang siyang reaksyon. Nakatingin siya sa TV pero halatang malalim ang iniisip niya pero agad na nabaling ang atensyon ko sa box na dala niya. "Oy, Daniella," sabi ko kasabay ng pagtulak ko sa braso niya.

"Tingnan mo," mahina niyang tugon at inabot sa'kin 'yong box. Binuksan ko 'yon at may nakita akong tatlong pirasong Cream-O at may kapiraso ng papel na agad kong kinuha at binasa.

'I know na favorite mo 'yan. Pagaling ka. ~Edmark'

Edmark?

Bumalik na siya............

******

*3rd Person's POV*

Isang lalaki ang nag-iwan ng isang regalo sa post office sa subdivision nina Kathryn. Pagkalagay niya ng kahon ay agad siyang lumapit sa guard at nagpaalam na papasok sa loob ng subdivision.

Nanghingi ng ID ang guard at laking pasasalamat niya nang may makuha siya sa kanyang bag.

Agad niyang tinungo ang tapat ng bahay nina Kathryn at pumwesto siya sa gilid ng puno. Nakita niya ang mailman na nagdala ng regalo na iniwan niya kani-kanina lang at hinintay niya munang matapos ang usapan ng dalawa.

Pagtapos ay sinundan niya mula sa labas ang lugar na tinungo ni Kathryn.

"Sa garden," sambit niya sa sarili at agad na naglakad saka sumilip sa hardin ng bahay ng babar.

Nakita niya na binuksan ni Kathryn ang regalo at binasa ang sulat at agad na gumuhit ang matatamis na ngiti sa mga labi ng lalaki.

Pagkagaling niya sa bahay nina Kathryn ay sunod naman niyang tinungo ang parke na nasa kanto lang ng subdivision.

'Kath and Kurt Forever'

'Yan ang nakaukit sa katawan ng puno na pinuntahan niya.

"Kahit iba ang pagkakakilala mo sa'kin, mahal na mahal pa rin kita at alam kong mahal mo 'ko, mahal mo pa rin ako."

******

Pagpasok ng lalaki sa kanyang silid ay agad na tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Agad na tinanaw ng kanyang paningin ang mga larawang nakasabit sa dingding, ang larawan nilang dalawa ng babaeng pinakamamahal niya, si Kathryn.

Kitang-kita sa kanilang mga mata ang mga ngiti at kasiyahan na kanilang nadarama. Kitang-kita na binabalot ng pagmamahalan ang mga litratong ito.

Umupo siya sa kama niya at kinuha mula sa katabi nitong maliit na drawer ang mga liham mula sa kanyang minamahal.

MAALALA MO SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon