Chapter 23: STUPID HEART

365 9 2
                                    

*Kathryn's POV*

Another day to live. Thanks, God!

Kasalukuyang binabaybay ng taxi-ng sinasakyan ko ang daan papunta sa campus. Walking distance lang naman ang SFU mula rito sa'min kaso tinatamad akong maglakad ngayon. Akala ko nga susunduin ako ni Kurt kaso wala naman siya, hindi rin siya sumasagot sa mga texts at tawag ko.

Natapos na ang dalawang subjects ko kaso wala pa ring Kurt na nagpaparamdam sa'kin. Nasaan na naman kaya 'yon? Hay ewan! Bahala siya sa buhay niya.

"Oy Kath! Kanina ka pa absent-minded d'yan. Ano bang problema?" pagkuha ni Lauren ng atensyon ko. Nandito kami sa cafeteria ngayon. It's almost lunch time.

"Wala," tipid na sagot ko. Wala naman kasi talaga akong problema.

"Mukhang alam ko na kung bakit. Nasa ospital daw si Kurt sabi ni Mark, binabantayan 'yong mommy niya."

"Oh, I see," sabi ko na lang.

"He has a reason naman, eh. Cheer up!" sabi niya ulit saka sumubo ng spaghetti niya. Kulit!

Hindi na lang ako sumagot pa at nagsimula na lang akong kumain. Nagugutom na rin kasi ako, 'di pala ako nakapag-breakfast kanina.

******

"Whooooo!"

"Go Blast!"

"Go Prince!"

"I love you, Mark!"

Mga sigawan at pag-cheer ang umaalingawngaw ngayon sa buong gymnasium pero 'yong pinakahuling cheer talaga 'yong nagdala, eh. Baliw talaga 'tong Lauren na 'to.

'Yon na nga, nag-match up kasi ang basketball teams dito sa'min. Ewan ko ba, may pustahan daw ata sila kaya ito, nagkakagulo ang mga fangirls nila ngayon. Napilitan lang naman akong sumama rito, wala kasi akong kasabay pauwi mamaya.

Nililibot ko ang tingin ko nang biglang naagaw ang atensyon naming lahat dahil sa biglang pagbukaa ng pinto nitong gym at bumungad sa!min si......

"Omg! Si Tyron!" sigaw ko habang niyuyugyog si Lauren.

"I told you, sabi ko sa'yo mag-e-enjoy ka rito, eh," sagot niya while wearing her evil grin.

Oo nga pala, Tyron's my ultimate crush since 4th year High School. Ahead siya sa'min ng one year pero dahil magkatapat lang ang mga schools namin dati, ayon nagsalubong ang mga landas namin.

******FLASHBACK******

Mag-isa akong naglalakad ngayon papuntang cafeteria, absent kasi si Lauren, tinatamad daw siyang pumasok.

Nililibot ko ang paningin ko sa buong paligid para sana makahanap ng makakasabay kaso iba ang nahagip ng mga mata ko. Isang gwapong nilalang na bago sa paningin ko. Hihi!

"Heaven," bulong ko sa sarili ko at palihim na ngumiti. Napagdesisyunan ko na wag na lang munang pumunta sa cafeteria at sinimulan ko nang landasin ang daan kung saan nakatayo si Kuyang pogi.

MAALALA MO SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon