*3rd Person's POV*
Kunot-noong tinatahak ni Christian ang daan papunta sa condo unit ng taong matagal na niyang gustong makausap.
Napakaraming tanong at saloobin ang gusto niyang sabihin dito. Hindi man niya alam kung paano sisimulan pero matagal na niya itong gustong sadyain pero ngayon lang siya nakahanap ng oras para rito. Masyado nang magulo ang isip niya nitong nagdaang mga buwan dahil unti-unti na namang gumugulo ang sitwasyon na lalong pinalalala ng mga taong hindi na naman dapat bumalik pa.
Nang marating niya ang tapat ng unit nito ay saglit pa niyang tinitigan ang pinto nito saka lamang siya nag-doorbell. Agad din namang bumukas ang pinto at tumambad sa kanya ang gulat na mukha ng lalaki. Naramdaman niya ang tensyon na namuo sa sistema ng lalaki ngunit pinilit nitong umakto nang normal.
"Christian," banggit ng lalaki sa pangalan niya. "Come in," saad pa nito na may tensyonadong ngiti at iginiya si Christian papasok.
"Hanggang ngayon pala, nagsosolo ka pa rin," sabi ni Christian nang marating nila ang sala. Hindi pa rin siya tumitigil sa pagmamasid sa kabuuan ng unit nito.
"Nasanay na, eh. It's more relaxing, too. You know, personal space. Privacy," tugon naman ng lalaki. Kapansin-pansin na ang pagiging normal at halatang nawala na ang tensyong kanina lang at lutang na lutang sa mukha nito.
"Hindi ko na nagugustuhan lahat ng nangyayari ngayon," seryosong usal ni Christian at bakas sa mukha niya ang inis.
"Kahit ako, Christian. Unti-unti na namang gumugulo dahil sa mga taong 'yon."
"Natatakot ako. Ayokong masaktan na naman si Kathryn."
"Gaya nga ng sinabi ni Tito, Christian, matagal na nating sinasaktan si Kathryn. Since we decided to covert the truth from her, we started to broke her. Tayo mismo, Christian. We are the one who are hurting her for so long," madiing tugon ng lalaki.
"Ginagawa natin 'to para sa kanya."
"Pero mas dinaragdagan lang natin lahat ng dinadala ni Kathryn. We've been so selfish. Paulit-ulit lang nating dinaragdagan lahat ng kasalanan natin sa kanya."
"Kasi ginagawan natin ng paraan para hindi maging malala 'yong epekto sa kanya. Hangga't maaari, gumagawa tayo ng paraan para mabawasan 'yong bagsak sa kanya. Alam mong hindi natin siya pwedeng biglain dahil sa sitwasyon niya."
"I know. I understand. We can do it. We'll do it for her."
Ilang oras pa ang inilagi ni Christian sa tinitirhan ng lalaki at nag-usap pa sila tungkol sa mga importanteng bagay na siya talagang sinadya ni Christian sa lalaki.
BINABASA MO ANG
MAALALA MO SANA
Teen FictionEven if you don't remember our past, I promise you that we will create new memories together. We will make the most unforgettable memories that you will never ever forget.