Chapter 30: MISBEHAVE

82 1 0
                                    

*Kathryn's POV*

Bzzttt.... Bzzzttttt....

Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang vibration ng cellphone ko na nasa tabi ko lang, nakatulugan ko pala kanina.

Hindi ko na tiningnan pa kung sino ang tumatawag at agad ko na itong sinagot.

"Hello?" walang-ganang bungad ko.

[Good evening, my queen. Mukhang naistorbo ko pa ata ang tulog mo. Sorry.] Oh! It's Kurt. Nakaramdam ako ng tuwa sa puso ko, na-miss ko 'yong boses niya.

"Hindi naman. It's okay."

[How's your day? I'm really sorry kung hindi kita na-text or natawagan kanina. I've been so busy earlier that's why ngayon lang ako nakatawag.]

"Wala 'yon. I understand," pagsisinungaling ko dahil ramdam ko pa rin ang tampo sa dibdib ko.

[I'm sorry. I really do. How's school?]

"Okay naman. Buti nga at wala ng afternoon classes kanina kaya maaga akong nakauwi at mahaba-haba ang pahinga ko."

[Good to hear. Mukhang naabala ko pa ang tulog ng reyna ko, ah.] Wtf! Ang sarap sa pakiramdam ng mga sinasabi niya. Nawala na ang tampo sa dibdib ko na kani-kanina lang ay namumutawi rito. Mas masarap pakinggan ang mga sinasabi niya kapag nagta-Tagalog siya.

"Wala nga 'yon," natatawang sabi ko.

[I missed you, my queen.]

"I missed you, too, my king," tanging naisagot ko. Hindi ko 'yon pinag-isipan, bagkus ay kusang lumabas sa bibig ko.

[I'm your what?] natatawang tanong niya. Hindi 'ton tawang nang-aasar o ano, tawa 'yon ng natutuwa.

"You're my king," pag-uulit ko.

[Am I really? Really?] naramdaman ko ang tuwa sa tono niya.

"Yes, you are."

Ilang oras ang ginugol namin sa pakikipag-usap sa isa't isa dahil talagang na-miss ko siya. Nang dalawin ako ng antok ay nagpaalam na rin ako sa kanya at natulog nang may ngiti sa mga labi at kapanatagan sa puso.

******

We're on our way home from Laguna. It was a not-so-fine day, umuulan kasi. We're having a good time chatting with each other inside our car.

"My (mi), balik tayo ro'n sa Christmas, ah?" Kuya said excitedly.

"Of course," Mom answered.

"Sh*t!" Dad cursed kaya napatingin kaming tatlo sa kanya.

"What's wrong?" Mom asked with a nervous tone.

"The f*cking brake isn't working," Dad said that made us panic.

We're about to cross an intersection nang bigla kaming mabundol ng truck dito sa side ko. The last thing I heard was the shattering of the glass windows and everything went black.

MAALALA MO SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon