*Edmark's POV*
Nagtungo ako ngayon sa isang flower shop malapit sa condo na tinitirahan ko. Today is a very special day at bibisitahin ko ang babaeng pinakamamahal ko sa lahat.
Nang makita ko kung nasaan ang stand ng paborito niyang bulaklak ay napangiti ako dahil bigla kong naalala ang kanyang mga matatamis na ngiti noong huling beses ko siyang binigyan nito.
"Miss, how much is these sunflowers?" tanong ko sa babaeng mukhang nagtatrabaho rito sa shop na ito base sa suot niya, kanina ko pa napansin ang pagsunod-sunod niya sa akin at todo-ngiti pa siya.
"Ah, sir, sa bouquet po ay 300 pesos tapos 'yan naman pong nasa pot ay 650 pesos," nakangiti niyang tugon. I found her smiles so awkward. Nagpasalamat na lang ako sa kanya at kumuha ng isang bouquet at isang pot ng sunflowers.
Agad ko na itong binayaran sa counter at lumisan na rin ako sa shop na 'yon. Habang nagda-drive ako ay halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Kahit kabibisita ko lang sa kanya kahapon ay excited na excited na naman akong puntahan siya. I really miss her so much. I really do.
Nang makapag-park ako ng sasakyan ay dinampot ko sa passenger's seat ang mga bulaklak na binili ko kanina. Hindi ko mapigilan ang maluha habang binabaybay ko ang daan papalapit sa kanya.
Kasabay ng pagporma ng ngiti sa aking mga labi ay ang pag-uunahan sa pagtulo ng mga luha ko. Paglapit ko sa kanya ay agad na nanghina ang mga tuhod ko. Inilapag ko ang mga dala kong bulaklak sa tabi ng lapida niya.
'ANGEL ACEBRON BORJA'
"Happy b-birthday, Mommy," nakangiting bati ko kay Mommy habang lumuluha. "I miss y-you so much, M-Mommy," I said as my knees started to quiver. As my knees started to get weaker and weaker, I stumbled down the floor and I couldn't help myself but to wail. "I n-need you h-here, M-Mommy, I w-want y-you here w-with me. Guide m-me here, M-Mommy. I l-love you so m-much."
Mukhang wala pang ibang bumibisita rito kay Mommy dahil tanging ang kandilang itinirik ko rito kahapon ang naririto maliban sa mga dinala ko ngayon. Hindi pa pala pumupunta rito 'yong g*gong 'yon.
Nagpalipas ako ng ilan pang mga oras dito sa pagkukwento kay Mommy ng mga nangyari nitong nakaraan. Lahat ay ikinwento ko sa kanya na kung minsan pa ay animong nagsusumbong na ako sa kanya.
"Mommy, I'll go ahead. I'll just visit you again tomorrow. I love you, Mommy," paalam ko sa kanya at naglakad na ako papalabas ng mausoleum niya. Nakasalubong ko pa ang lalaking pinakakinamumuhian ko sa lahat pero nilagpasan ko na lang siya at umalis na ako sa lugar na 'yon.
Matapos kong maiparada ang kotse ko ay pumasok na agad ako sa mansyon ni Tito. Iginiya ako ng kasambahay nila patungong dining room at doon ko naabutan sina Tito at Faye. Agad akong tinanguan at nginitian ni Tito nang makita niya ako saka iminuwestra ang kanyang kamay para alukin akong umupo.
"Kumusta, Kuya?" bati sa'kin ni Faye pagkaupo ko sa harapan niya.
"Totally fine," nakangiting tugon ko. "How about you?"
"Ito, sobrang tutok sa studies. Grabe pala sa States, aral talaga kung aral lalo na kapag sa business."
BINABASA MO ANG
MAALALA MO SANA
Teen FictionEven if you don't remember our past, I promise you that we will create new memories together. We will make the most unforgettable memories that you will never ever forget.