*Kathryn's POV*
Dahil nga sa nangyari kanina, hindi na namin napasukan ang dalawang classes namin kaya last class na namin ngayon. Dapat kasi kanina ay makakapasok na kami sa Biology class namin which is 'yong class namin bago 'to, kaso ayon tinamad ang loko. H'wag na raw muna kaming pumasok kasi sasakit na naman daw ang ulo niya. Hay naku! Ang sabihin niya tinatamad lang talaga siya.
"H'wag na kaya tayong pumasok. Last class na naman natin, eh," sabi niya kaya tiningnan ko siya nang masama. Naglalakad kami ngayon papunta sa classroom namin.
"Batukan kaya ulit kita, gusto mo?" mataray na sabi ko sabay irap.
"Sungit naman," sabi niya at kinuha ang kamay ko. "Batukan mo ulit ako para sumakit ulit 'yong ulo ko para hindi na tayo makapasok. Dali!" mukhang excited pang mabatukan ulit ang loko.
"Tumigil ka na nga. Baliw ka na talaga," hinila ko na siya nang sapilitan. "Tara na. Bilisan mo. Bagal!"
Pagpasok namin ng classroom, ito agad ang bungad samin ni Lauren.
"Hoy, kayong dalawa! Kathryn, bakit hindi ka pumasok sa dalawang klase natin kanina? Ikaw rin, Kurt, sabi ni Mark hindi ka raw pumasok sa dalawang subjects niyo. Alam niyo bang nag-alala ako kung saan na kayo napadpad? Hindi ako pumasok sa Biology class natin dahil hinanap ko kayo," sermon samin ni Lauren. Ang ingay talaga ng babaeng 'to. Buti wala pa yung prof namin.
"Hindi nabanggit sa'yo ni Mark?" tanong ko at tiningnan ko si Mark, napakamot pa siya ng ulo. Mukhang hindi niya nga nasabi.
"Sorry, nakalimutan kong sabihin," sabi niya habang nagkakamot pa rin ng ulo at nakangiti nang pilit.
"Ano ba kasing nangyari?" mukhang naiirita na si Lauren. Kasi naman si Mark, eh, bakit hindi niya sinabi? Nasermonan pa tuloy kami.
Magsasalita pa sana 'ko kaso dumating na qng prof namin. Buti naman. Para matahimik na si 'tong si Lauren.
"Mamaya ko na lang ikukwento," sabi ko at nagsimula na nga ang klase namin.
******
"Sandali lang kasi. Bakit ka ba nagmamadali?" mukhang naiinis na sa'kin si Kurt. Kanina ko pa kasi siya pinagmamadali dahil for sure ay mangungulit na naman 'yon si Lauren, eh. Ang bagal naman kasi nito.
"Dalian mo na kasi. Ambagal mo naman, eh," hinahatak ko na talaga siya.
"Ito na, ito na. Nagmamadali masyado, eh."
Hinatak ko na siya agad palabas kaso hinarangan kami ni Lauren. Kainis naman 'tong babaeng 'to, oh.
Tinaas-taas pa niya 'yong kilay niya which means na naghihintay siya ng kung anumang sasabihin ko.
"Bukas ko na lang ikukwento sa'yo, ha?! Mauna ka na kasi magde-detention pa kami. Sige. Bye!" sabi ko at nag-flying kiss pa 'ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
MAALALA MO SANA
Dla nastolatkówEven if you don't remember our past, I promise you that we will create new memories together. We will make the most unforgettable memories that you will never ever forget.