Chapter 8: REMINISCENCE

1.7K 61 4
                                    

*Kathryn's POV*

Sorry but do I know you?

Sorry but do I know you?

Sorry but do I know you?

Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko 'yang sinabi niya. Parang gumuho 'yong mundo ko nang marinig ko yan mula sa kanya. Bakit gano'n? Anong nangyari?

And in the first place, alam ko na siya talaga si Kurt. Pero bakit gano'n, bakit parang hindi niya 'ko kilala? Pinagtri-trip-an niya ba 'ko?

Tuloy-tuloy na naman ako sa pag-iyak. Nang matapos kasi 'yong scenario na nangyari kanina, napagdesisyunan ko na umuwi na lang muna. I can't take those shits!

Nakahiga lang ako at umiiyak habang paulit-ulit kong naririnig sa isip ko ang mga katagang 'yon.

Bzztttt... Bzzzzttttt...

1 message received

From: Lauren

'Oy Kath, nasaan ka?'

Hindi ko na lang siya ni-reply-an kasi wala akong gana ngayon. Wala ako sa mood para makipagbiruan sa kanya. And for sure, pupunta naman 'yon si Lauren dito after class.

Kinuha ko 'yong picture frame namin ni Kurt na nakapatong sa bedside table at hinaplos ko 'yong mukha niya ro'n.

"Miss na miss na kita, Kurt. Alam kong ikaw 'tong nakita ko kanina. Sigurado ako. Pero kahit nandito ka na, bakit parang hindi ka pa rin nag-e-exist? Bakit parang hindi ikaw 'yong Kurt na mahal na mahal ko?" tanong ko sa kawalan sa pagitan ng mga paghikbi ko habang hinahaplos ko pa rin 'yong picture niya.

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak na para bang hindi napapagod ang mga luha ko sa pag-agos. Ilang minuto na ang lumipas pero nasa ganitong posisyon pa rin ako. Nakahiga habang yakap-yakap 'yong picture namin at nakatingin sa kisame. Lutang at malalim ang iniisip. Dahil na rin sa tagal ng pag-iyak ko ay tila napagod na rin ang mga mata ko at kusa nang bumagsak ang talukap ng mga ito.

******

Bzzttt.... Bzzttt....

Nagising ako dahil sa vibration ng cellphone sa tabi ko. Si Kuya pala, tumatawag. Nakita ko rin na ang dami niya ng texts sa'kin. Sinagot ko siya at ni-loudspeaker ko.

"Hello Kuya."

[Nasan ka? Kanina pa kita hinahanap. Pati texts at mga tawag ko hindi mo sinasagot.]

"Sorry Kuya. Nandito ako sa bahay."

[Bakit hindi ka pumasok? Teka, ano bang nangyari?]

"Mamaya ko na lang ikukwento pag-uwi mo."

[Hintayin mo 'ko, uuwi na 'ko. Ano na naman bang nangyari sa'yo, Daniella?] may inis sa tono ng tanong niya and he ended the call.

Tiningnan ko ulit 'yong picture namin na yakap-yakap ko kanina. Bigla na namang tumulo ang mga luha ko. Tinitigan ko lang siya ro'n sa picture namin. Same features pa rin pero ibang-iba 'yong dating niya sa Kurt na nakita ko kanina, mas naging matured 'yong looks niya pero mas lalo siyang gumwapo  ngayon. Mas naging malalim 'yong boses niya at mukha na siyang badboy. Kanina no'ng tiningnan niya ako, parang wala na yo'ng sincerity sa mga mata niya. Bakit gano'n? Anong nangyari?

MAALALA MO SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon