*Kathryn's POV*
"Kathryn Daniella Villanueva Smith!" bungad agad sa'kin ni Lauren pagpasok ko pa lang ng room.
"Wae? (Bakit?)"
"Dito ka umupo," sagot niya habang tina-tap yung vacant seat sa tabi niya.
"Ayoko nga."
"Eh! Dali na."
"Ayoko, bahala ka r'yan," sagot ko ulit at dito ako umupo sa tabi ni Patricia, blockmate namin na pinagseselosan ni Lauren. Ex-girlfriend lang naman kasi 'to ni Mark.
Sa kalagitnaan ng discussion, nilingon ko si Lauren at nakatingin pala siya sa'min kaya nang mapansin niyang nakatingin din ako sa kanya ay agad niya akong inismiran.
Hanggang ngayong lunch break ay hindi pa rin ako pinapansin ni Lauren kaya si Pat pa rin ang kasama ko ngayon. Gano'n kasi talaga 'yong babaeng 'yon, napakamatampuhin. Nagtataka siguro kayo kung bakit hindi ko siya sinusuyo, 'no? Well, hindi siya nadadala sa gano'n. Mas lalo lang kasi siyang naiinis kapag kinukulit siya.
Nandito nga pala kami ni Pat sa carenderia sa tabi ng campus. Dito kasi ako niyaya ni Pat, masarap daw kasi 'yong mga pagkain dito and in fairness, totoo nga.
"Kath, sorry kailangan ko nang mauna. Nagkaproblema kasi sa defense papers namin, eh," aligagang pagpapaalam niya.
"Ok lang, sige."
"Ah, ito nga pala 'yong pambayad," sabi niya habang may kinukuha siya sa bag niya.
"Hindi, wag na. Libre ko na 'to."
"Ah, sige thank you. Sorry ulit," hindi niya na ako hinintay pang sumagot at patakbo na siyang bumalik sa campus.
Kanina ko pa nga pala hindi nakikita si Kurt. Tinext ko siya kanina pero hindi pa rin siya nagre-reply. Kinuha ko 'yong phone ko sa bag ko to check kung may reply na ba siya pero wala pa rin kaya naman tinext ko na lang ulit siya.
[Oyyy! Nasaan ka?] *sent*
Tiningnan ko ang relo ko at 12:30 pa lang naman, so may 30 mins. pa 'ko para maghanap. Una 'kong pumunta sa school garden pero wala siya. Sa school mini-park, wala rin. Sa library, sa computer lab, wala rin.
"Music hall," bulong ko sa sarili ko. Patakbo na among pumunta ro'n pero pagpasok ko ay ang daming tao sa loob kaso wala siya. Aish! Bakit nga ba hindi ko naisip na baka umuwi na siya. Teka, umuwi?! Di pa tapos ang klase ,ah. Pagtingin ko sa relo ko.... Gosh! 12:55 naaaaaa!
At dahil intensyon talaga yata ni author na pagurin ako ay tumakbo na naman ako. Buti na lang pagdating ko ay wala pa 'yong prof namin.
Hanggang sa matapos ang klase namin, hindi ko pa rin siya nakikita. Tinanong ko si Mark kanina kung nasaan ba si Kurt pero hindi rin daw niya nakita kanina pa. Nasaan na kaya 'yong lalaking 'yon?!
******
*3rd Person's POV*
Agad na napangiti ang babae nang makita niya ang kanyang boyfriend na papasok sa unit niya.
"Hi Pauline," nakangiting bati ng lalaking kararating lang at hinalikan siya nito sa labi.
"Hi, babe. Bakit nandito ka?" tanong ng babae habang nakakapit ito sa braso niya.
BINABASA MO ANG
MAALALA MO SANA
Teen FictionEven if you don't remember our past, I promise you that we will create new memories together. We will make the most unforgettable memories that you will never ever forget.