*Kathryn's POV*
"Oh, 'yan, ah. Ikaw ang pumili ng papanoorin natin. Baka matakot ka," pang-aasar niya habang tatawa-tawa. Nandito kami ngayon sa isang sinehan. Horror kasi 'yong pinili kong panoorin namin. Hindi ko na lang siya pinansin at dumire-diretso ako sa papasok habang siya at nakasunod lang sa'kin. Sa may upper bleacher sa may gitna kami umupo.
"Whaa!" sigaw niya sabay yakap sa braso ko at sinandal ang ulo niya sa balikat ko. Napatingin naman ako sa kanya at natawa. Ang kulit kasi ng reaction niya tapos muntik pang matapon 'yong dala-dala niyang popcorn. May nakakagulat kasing scene na pinakita at maski ako ay nagulat naman talaga pero hindi ako tumili.
"Anong tinatawa-tawa mo r'yan?" nagmamaang-maangan niyang tanong na animong walang nakakatawang nangyari kani-kanina lang at dumiretso na lang ulit siya ng upo.
"Wala," pagsisinungaling ko.
"Isa pang tawa mo, hahalikan talaga kita," pagbabanta niya. Halatang seryoso siya dahil sa boses niya.
"Ito na nga, titigil na, 'di ba?!" sagot ko at wala na ni isa sa amin ang nagsalita hanggang sa matapos ang pinapanood namin.
After ng sine, sa isang Korean resto naman kami pumunta. Nag- order kami ng gimbap (Korean sushi), buchimgae (Korean pancake) , tteokbokki (isa siyang street food or snack sa Korea na gawa sa rice cake or fish cake flavored with gochujang, a chili paste, so may pagkamaanghang siya), bungeoppang (ito naman, Korean version siya ng Japanese bread na Taiyaki, ito 'yong fish shaped bread na may red bean paste as fillings. Itong bread na 'to, crispy ang labas niya pero chewy 'yong loob), shikhye (sweet rice beverage) at syempre hindi mawawala ang favorite kong ramen. Sa'kin pa lang yan. Choss! Syempre for 2 servings na 'yan.
"Bakit ka nga pala tumili kanina?" natatawang tanong ko kasi biglang nag-flashback sa utak ko ang reaction niya kanina habang nanonood kami.
Nilunok niya muna 'yong kinakain niya bago sumagot. "Tumili ba 'ko? Hindi naman, ah?" painosenteng sagot niya sabay higop ng sabaw ng ramen.
"Ayaw mo ng tumili? Papalitan natin. Bakit ka sumigaw kanina?"
"Hindi nga," iwas niya at diretso lang sa pagkain. Natawa na lang ako nang palihim, hanggang ngayon pala tumitili pa rin siya kapag nagugulat. HAHAHA!
Tahimik lang kaming dalawa nang maisipan kong magtanong. "Kelan ka nga pala nakauwi rito sa Pilipinas?"
"Huh?"
Aish! Oo nga pala. Ang alam niya, kelan ko lang siya nakilala. "I mean, kelan ka nag-transfer sa St. Fenire?"
"Ah, that time na nakabangga kita. 'Yon 'yong araw na nag-transfer ako. Bakit?" sagot niya pero hindi ko pa man nasasagot ang tanong niya ay nagsalita na ulit siya. "Ah, no'ng nakabangga nga pala kita, bakit ka umiyak no'n?"
BINABASA MO ANG
MAALALA MO SANA
Fiksi RemajaEven if you don't remember our past, I promise you that we will create new memories together. We will make the most unforgettable memories that you will never ever forget.