*Kathryn's POV*
"Kath, una na ako, ah," pagpapaalam sa'kin ni Lauren, bestfriend ko.
"Sige. Ingat ka," sagot ko while I am waving my hand as a sign of farewell.
She was already out of my sight nang mapagdesisyunan kong sumakay na ng taxi dahil hindi ako nagpasundo kay Kuya ngayon; pupuntahan pa kasi ako. Pupuntahan ko ang lugar kung saan ko siya maaalala.
(N/P: Only Reminds Me Of You - Christian Bautista)
Dito ako bumaba sa park sa subdivision namin; I used to go here after class, during afternoons, and even during nighttimes, waiting for him. Inaalala 'yong mga pangyayari at 'yong pinagsamahan namin. Dito ako laging pumupunta dahil ito 'yong lugar na lagi naming pinupuntahan dati kaya naman dito ko siya pinakanaaalala.
Hapon pa lang naman kaya marami pang mga batang naglalaro rito. Naghahabulan, naglalaro, nagtatawanan at meron ding nag-aaway pero not physically. Masaya ako tuwing nandito ako kasi ito ang lugar kung saan kami nakabuo nang maraming magagandang alaala pero ang sakit balikan ng lugar na 'to; ang sakit-sakit kasi hanggang ngayon hindi pa rin siya bumabalik.
Sa bawat araw ng pagpunta ko rito, umaasa ako na makikita ko siya. Umaasa akong pupunta siya rito dahil naaalala niya rin ako at gusto niya rin akong makita. Umaasa akong makikita ko na siyang muli at mayayakap nang mahigpit. Umaasa akong magkikita ulit kami rito at sasabihin namin kung gaano namin kamahal ang isa't isa. Na sabay ulit naming aalalahanin ang mga alaala naming dalawa, masaya man o malungkot. Sabay kaming mangangarap at sabay ulit naming haharapin lahat ng pagsubok gaya nang dati.
"Ate, bakit ka po umiiyak?" tanong sa'kin ng isang batang babae. Hindi ko namalayan na tumutulo na naman pala ang mga luha ko, ang mga luha kong hindi pa rin nagsasawa sa pag-iyak.
"Ah, wala 'to. May naalala lang kasi ako. Sige na, maglaro na ulit kayo," sabi ko do'n sa batang babae at pinunasan ko ang mga luha sa magkabilang pisngi ko pero tumulo na naman ito.
"Marika! Tara, laro na tayo!" tawag sa kanya ng batang lalaking kalaro niya.
"Sige po, Ate. Wag ka na pong umiyak. Ang ganda-ganda mo pa naman po," pag-aalo ng batang babae sa akin at nginitian ko naman siya. Marahan siyang tumitig sa mga mata ko at binigyan ako ng isang malawak na ngiti bago siya tumakbo papunta sa mga kalaro niya.
My tears started to escape from my eyes again. I miss him so much and it's killing me. Bakit gano'n? Ang tagal-tagal ko nang naghihintay pero bakit wala pa rin siya? Katulad ko, mahal pa rin kaya niya ako? Lagi niya rin ba akong iniisip? Babalik pa ba siya?
Pumunta 'ko do'n sa puno na may naka-engrave na pangalan namin. Siya yung nag-engrave no'n, no'ng araw na naging kami.
'Kurt and Kath Forever'
Yan yung naka-engrave do'n sa puno.Sabi niya na katulad ng punong 'to, ganun din katibay yung relasyon namin at pagmamahal namin para sa isa't isa. Na katulad ng punong 'to ay hinding-hindi kami mabubuwal at katulad ng ugat ng puno na 'to ay hinding-hindi kami susuko na kumapit sa isa't isa para mas mapatatag pa ang relasyon namin.
"Nasaan ka na ba, Kurt?" tanong ko na paulit-ulit na lang tinatangay ng hangin. "Bumalik ka na, please," pagkasabi ko ng mga katagang 'yon ay nag-unahan na naman sa pag-agos ang mga luha ko.
It's been 5 years pero ang sakit-sakit pa rin. Sariwang-sariwa pa sa alaala ko 'yong mga pangyayaring 'yon na parang kahapon lang nangyari. Naalala ko na naman 'yong aksidente na nangyari 5 years ago.
******FLASHBACK******
It's our first anniversary and I'm so happy. Pumunta siya sa'min kaninang umaga at niregaluhan niya 'ko nang malaki at napaka-cute na teddy bear. Naglalakad na kami ngayon papunta sa park, tapos na kasi 'yong class namin. We were about to cross the street pero tumigil muna siya dahil tinapon niya 'yong empty bottle ng Slurpee niya at dahil nga nandito na kami sa tapat ng park ay tumakbo na 'ko patawid at iniwan ko siya, then, when I was on the middle of the street, bigla na lang may sumigaw mula sa likuran ko.
BINABASA MO ANG
MAALALA MO SANA
Teen FictionEven if you don't remember our past, I promise you that we will create new memories together. We will make the most unforgettable memories that you will never ever forget.