*Kurt's POV*
"Sabi nila, pag hinalikan mo raw sa noo ang isang babae, it symbolizes your respect for her," sabi ko habang nakangiti at nakita kong nag-blush siya. "And goodnight kiss, also. Goodnight," sabi ko at umalis na nang makapasok na siya sa bahay nila.
Hanggang sa pag-uwi ko ng bahay ay dala-dala ko pa rin ang mga ngiting 'yon at naaalala ko 'yong mukha niya. I felt comfortable when I'm with her. Masaya ako sa tuwing kasama ko siya, 'yong para bang matagal ko na siyang kilala. She's quite special to me. I don't know why but the first time I saw her, no'ng nakabangga ko siya tapos 'yong umiyak siya sa hindi ko malamang dahilan, bigla na lang tumibok nang sobrang bilis ang puso ko, thrice than the normal. No'ng tinawag niya 'yong pangalan ko that time, parang bigla akong kinilig. Ang corny mang pakinggan kasi lalaki ako but that's what I really felt on that moment.
It's already past 11:00 pm but still I can't sleep and that's because of her. Sa tuwing pipikit kasi ako, mukha niya ang nakikita ko. Nababaliw na ata ako! I really don't know why pero ang lakas ng epekto niya sa sistema ko.
I think I'm starting to like her.
******
*Kathryn's POV*
Past 11:00 pm na pero hindi pa rin ako makatulog. Hanggang ngayon kasi ay kinikilig pa rin ako. Hindi ako makapaniwalang gagawin niya 'yon. The sweetest man with the sweetest smile that makes me fall even more. Alam ko na darating ang araw na maaalala niya rin ako, lahat nang pinagsamahan namin at kung hindi man, gagawin ko ang lahat para sa kanya. Alam ko na pagsubok lang lahat ng 'to. This is how destiny played upon our love story. This is just a challenge that will test how deep my love is for him.
Tok..... Tok...... Tok.......
"Daniella," tawag sa'kin ni Kuya mula sa labas ng kwarto ko.
"Pasok."
Pagpasok niya ay umupo siya sa tabi ko, nakaupo kami ngayon sa kama ko.
"Nakita ko kayo kanina. I'm happy na masaya na kayo," sabi niya habang nakatingin sa malayo at nakangiti. "I'm happy that you found your happiness once again," dagdag niya pa pero this time, nakatingin na siya sa mga mata ko. And I saw happiness on his eyes, too.
"Thank you, Kuya. Kasi lagi kang nasa tabi ko whenever I needed you. You're always here by my side, hindi mo ako sinukuan kahit na sobrang tigas ng ulo ko. Mahal na mahal kita, Kuya."
"Mahal na mahal din kita," nakangiting sabi niya. "Higit pa sa pagmamahal ko kay Sam," sabay tawa nang malakas. Kahit kelan talaga abnormal 'tong Kuya ko.
"Ah, ganun?! Isusumbong kita, ah," sabi ko habang tawa nang tawa at 'yong hand gesture na parang nananakot, 'yong hand gesture kapag nagsasabi sila ng 'lagot ka'. Basta 'yong gano'n.
"Hoy, h'wag! Joke lang 'yon, syempre mas mahal ko si Sam," sabi niya sabay belat. Leche! Nang-asar pa.
"Ah, sige ganyan ka."
"Para walang away, mas mahal ko si Mommy kesa sa inyo ni Sam." Bakit ba 'to tawa nang tawa? Nababaliw na ata 'tong kapatid ko, eh. "Sige na. Matulog ka na, baka mahawa pa 'ko sa kabaliwan mo."
BINABASA MO ANG
MAALALA MO SANA
Teen FictionEven if you don't remember our past, I promise you that we will create new memories together. We will make the most unforgettable memories that you will never ever forget.