Chapter 41: CHRISTMAS BALL

29 3 0
                                    

*Kathryn's POV*

This week has been so busy not because of school matters but due to the preparations for the most-awaited night of every Fenireans, the annual St. Fenire Christmas Ball.

Nagtulong-tulong ang bawat organizations dito sa University para sa event na ito. As a long-time student of St. Fenire, talaga namang kahanga-hanga and I can guarantee that everyone will really look forward to every event that will happen here, from St. Fenire Academy to St. Fenire University, everything's just so perfect. Mas maganda nga lang ang events dito sa SFU compared sa SFA dahil mas advanced at puro seniors na kasi ang naririto and the fact that we are tertiary while there were just secondary.

Nasa pang-apat na araw na kami ng linggo at hanggang ngayon ay abalang-abala pa rin ang lahat sa kanya-kanya nilang ginagawa. Simula sa entrance ng campus hanggang dito sa quadrangle ay punong-puno ng dekorasyon. Hindi mo nga mapagkakamalang school ito dahil nagmistulang park ang buong paligid. Dahil sa sobrang lawak nitong campus ay kahit itong entrada lang ang gamitin ay higit pa ito sa sapat.

Ang magkabilang gilid ng entrance hanggang quadrangle ay nilagyan ng nakahilerang mga pine trees na nakalagay sa plant box, kung hindi ako nagkakamali ay ito 'yong nando'n sa main garden nitong campus. Dati ko pa ito nakita roon nang minsan akong magawi ro'n pero hindi ko alam kung totoo ba ang mga ito o hindi dahil mga nakatanim lang sila sa malalaking plant box.

Ang bawat pagitan naman ng mga nakahilerang pine trees ay nilagyan nila ng mga wooden bench na may mga palamuti rin sa paligid. Nakapalibot sa buong campus ang iba't ibang mga palamuti na Christmas-inspired ang disenyo kaya hindi mo talaga aakalaing nasa isang paaralan ka.

"Ang ganda, grabe! Excited na excited na 'ko para bukas," sabi ni Lauren habang naglalakad-lakad kami rito at tinatanaw ang bawat disenyong makikita namin.

"Excited na nga akong makita kung gaano 'to kaganda bukas, eh," pagsang-ayon ko naman sa kanya. "Sino nga palang partner mo bukas?"

"Si Kurt, pwede ba?"

"Sapak, gusto mo?"

"Nako, nako, possessive," natatawa niya namang komento. "Si Mark ang partner ko bukas, sa lahat ng nagyaya sa'kin, eh, siya lang naman ang bet ko at komportable na rin ako sa kanya kaya siya na lang ang pinili ko."

"Gano'n ba? Eh, bakit parang labag pa sa kalooban mo na siya ang magiging partner mo bukas?"

"Si Aki ang gusto kong makasama sa ganitong events, eh."

"Sabagay, oh, eh, ano na nga palang real score niyong dalawa?" tanong ko, hindi na rin kasi siya nakakapagkwento nitong mga nakaraang araw.

"Ay, oo nga pala, hindi ko pa nasabi sa'yo. Nanliligaw na siya ngayon, he even asked permissions from my Mom and Dad. Ayaw niya raw kasi na ako lang ang magdedesisyon. Una pa nga siyang nagpaalam kina Mommy, eh."

MAALALA MO SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon