*Edmark's POV*
"I told you to stay away from Kathryn. What the f*ck did you told her, ha?!" hindi ko na napigilan pa ang galit na matagal nang namumuo sa dibdib ko. Kinuwelyuhan kong bigla si Pauline nang puntahan ko siya sa unit niya.
"F*ck off, Ed! Nasasaktan ako!" nagpupumiglas siya at pilit na inaalis ang kamay ko na mahigpit na nakahawak sa kwelyo niya pero dahil mas malakas ako kesa sa kanya ay wala siyang ibang magawa kundi magpumiglas na lang.
"You'll get hurt even more if you didn't stop messing up with Kathryn!" pagbabanta ko sa kanya. Gusto ko siyang saktan, gusto ko siya galusan, gusto ko siyang patayin, kung pwede lang. Kung katulad lang din sana nila 'ko.
"Akala mo ba natatakot ako sa'yo?" ngumisi siya sa harapan ko pero nakikita ko ang takot sa mga mata niya. "I can get you killed if I wanted to," matapang pa rin ang paraan ng pagsasalita niya pero nararamdaman ko ang panginginig sa boses niya.
"And you f*cking even think na matatakot din ako sa'yo? You f*ck off, Pauline. Tigilan niyo na 'to ni Kurt habang matino pa ang pag-iisip ko," ginantihan ko ang mga ngisi niya at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa damit niya, narinig ko pa ang pagdaing niya.
"Hindi ako natatakot sa'yo! And what the f*ck are you even saying that I'm messing up with Kathryn? The f*ck, Ed, it's you who's messing her up. I'm just helping her remember everything that you all guys are hiding from her. I am just helping her, I am just lending her a hand, I am just making it easier for her."
"Wala kang maloloko rito, Pauline. I know how evil you could ever be," tinignan ko siya nang malalim sa mga mata. "F*ck off, Pauline. I am warning you," huli kong sabi saka ako nagdesisyong umalis na.
"I am just concerned, I am helping her just like how a friend is there for her friend," narinig ko pang sambit niya nang makalabas ako ng unit niya.
******
*Kathryn's POV*
Ilang araw na rin ang nakalipas mula noong mangyari ang tensyon sa pagitan namin ni Pauline pero hanggang ngayon ay hindi pa rin mawaglit sa isipan ko ang mga binitawan niyang salita no'ng araw na 'yon. Alam kong mayro'n siyang ibig sabihin, alam kong may something sa mga sinabi niya na 'yon pero hindi ko maintindihan. Hindi ko alam, hindi ko maisip.
Dahil masama ang pakiramdam ko ngayong araw ay napagdesisyunan ko na lang na huwag na munang pumasok. Wala rin akong gana at masyado akong ginugulo ng sari-saring mga isipin na hindi ko alam kung paano iisipin, wala akong maalala. Wala akong maisip na kahit anong impormasyon na pwede kong iugnay sa mga sinasabi niya.
This amnesia, it took so many years of my life. I felt like I've lost almost half of my half. Pakiramdam ko marami akong hindi maalalang mga mahahalagang bagay sa buhay ko. It felt like I'm missing every inch of my life.
Hindi ko namalayang kanina pa pala nagvi-vibrate ang cellphone ko na katabi ko lang din naman. Wala naman na sana akong balak pang sagutin pero nang nakita kong si Kurt ang tumatawag ay agad kong dinampot ang cellphone ko, naka-five missed calls na pala siya.
[Where are you? Can we meet?] bungad niya agad sa tawag. Mukhang hinihingal siya at malalim ang paghinga.
"I'm sorry, hindi ako nakapagsabi. Masama kasi ang pakiramdam ko kaya ngayon lang din ako nagising," sagot ko sa kanya, pasado alas-nuebe na pala base sa oras sa phone ko.
BINABASA MO ANG
MAALALA MO SANA
Teen FictionEven if you don't remember our past, I promise you that we will create new memories together. We will make the most unforgettable memories that you will never ever forget.