M.U?

69 4 0
                                    

Millet's POV

"Nasan na tayo?" Tanong niya sakin nang imulat niya ang mga mata niya

Nag commute kasi kami ni Marco pero


"Dito parin" sagot ko sa kanya at tsaka kinapa ang noo niya kung mainit pa ito


Agad naman siyang umupo ng maayos at tsaka nag unat at tumingin sa bintana ng bus na sinasakyan namin. Naka cap kami parehas at naka shades para iwas na rin sa mga tao na nakakakilala samin at baka magkagulo nanaman kapag nagkataon.


"Natulog ka ba? Pahinga? Nagpahinga ka ba?" tanong nito sakin


"Hindi ko naman kailangan magpahinga, ayos lang ako ano ka ba" sabi ko dito at tsaka sumandal

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at tsaka ako inakbayan nito.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya

"Magpahinga ka na muna" sabi nito at tsaka niya hinawakan ang ulo ko para isandal sa balikat niya

Bigla nanaman bumilis ang tibok ng puso ko, nag init nanaman ang mukha ko pero nakakahiya dahil nagkakaganito ako pero nasa katawan ako ng isang lalaki.

"Millet" tawag nito sakin

"Ano ka ba, mamaya may makarinig satin mapagkamalan kang baliw" sabi ko dito


"Edi... Hon, oh hon" sabi nito at tsaka tumingin sakin

0///0

"H-Ha? Hon ka diyan?" bulong ko dito

"Ayaw mong tawagin kita sa name mo eh. Edi hon na lang" umayos ulit ito ng upo at tsaka tumingin uli sa daan

Kakaibang nilalang talaga to, parang batang excited sa bawat madaanan niya. Kung sa bagay mahirap para sa kanya na gumala at gawin ang kung ano ang gusto niya dahil lahat ng media nakabantay sa kanya at lahat ng tao pinagkakaguluhan siya.

"Baba tayo" aya nito sakin

"Ha? Malayo pa tayo sa manila" sabi ko dito

"Mamasyal muna tayo" turo niya dun sa malaking mall

Tumingin ako sa mga mata nito at kitang kita ko naman ang excitement sa mga mata niya. Isang model, mayaman at sikat na tao ang nag aaya sakin ngayon na mag mall. Parang batang nag aaya.

"Tara" ngumiti ako dito at tsaka tumayo

"Hoy" awat nito sakin at tsaka hinawakan ang kamay ko "Anong ginawaga mo?" tanong nito sakin

"Kailangan natin tumayo para bumaba" paliwanag ko dito "Hindi hihinto ang bus hanggat hindi tayo tumatayo" sabi ko dito at tsaka siya inalalayan patayo

"Wag mo ko bibitawan" bulong nito sakin at tsaka kumapit sa braso ko

"Sa tabi po" sabi ko sa konduktor at agad naman nitong sinabi sa driver na may bababa



Pag baba namin ng mall inayos muna namin ang shades at cap namin para walang makakilala samin. Napakalaking gulo kung makilala kami.


"Honey ko tara na"



Agad akong napalingon kay Marco na ngiting ngiti habang nakatingin sa entrance ng mall. Ngayon lang ba siya nakarating ng mall? Hello, palagi kaya siyang nagmamall show.



"Ngayon ka lang ba nagmall?" Biro ko dito


"Ngayon lang ako nagmall kasama ang GIRLFRIEND ko" ngiting ngiti nitong sabi sakin at tsaka ako nilingon at kinindatan



>///<



"Tigilan mo nga ako, girlfriend ka diyan" sabi ko dito at tsaka kami naglakad para pumasok sa mall



"Bakit? Totoo naman ah? Oh baka gusto mo misis na agad?" Narinig ko ang mahina nitong tawa at tsaka hinawakan ang kamay ko


"Ma'am dito po ang entrance ng mga babae" turo ng lady guard kay Marco


Inangat naman ni Marco ang kamay namin dalawa at tsaka ngumiti sa lady guard.



"Ayaw niya po kasi akong pakawalan eh" sabi nito at tsaka tumingin sakin




A-Ano daw? Bakit naman nakakabingi ang sinabi niyang yun? At bakit nakaka tunaw ang mga tingin niya sakin?!



Agad naman kaming pinapasok sa loob ng mall at itong si Marco aakalain mong bata dahil sa paglalakad niya habang tinitignan bawat madaanan niyang shop.



"Dito tayo" turo niya dun sa ice cream shop


"Ayoko" tanggi ko sa kanya



"Di ka kumakain ng ice cream?" Tanong nito sakin



"Parang ang common na kasi sa date kapag ice cream" sabi ko dito at tsaka sumandal sa glass door



"Ah... So, inamin mo rin?" Ngiting ngiti nitong tanong sakin



"Ha? Ang alin?" Tanong ko dito



"Na this is a date, our first date as a first.. Couple?" Tanong nito sakin



O_O



"Anong first couple ka diyan?" Medyo malakas na tanong ko dito



"Kasi like you said nga diba? This is our first date. So, I assume na we our couple" sabi nito at tsaka ako tinitigan sa mga mata



"Assumero ka naman" asar ko dito "Hindi ako ganun klase ng tao na unang ligaw pa lang sinasagot na" sabi ko dito



"Then tomorrow maybe?" Tanong nito sakin



"Ewan ko sayo" sabi ko dito at tsaka naglakad palayo sa kanya pero nahawakan naman niya agad ang kamay ko kaya agad akong napatingin sa kanya




"I was just kidding. Yes, this is our first date and yes we're not a couple but M.U naman tayo diba?" Masuyo nitong tanong sakin



"M...U?" nauutal utal kong tanong dito 



"Uso ba ang paulit ulit sayo?" ngumiti ito at tsaka hinawakan ang kamay ko "Ulitin mo tanong mo sakin hindi lang M.U ang isasagot ko sayo. Remember, ako parin ang nasa katawan babae... Puwedeng puwede kitang sagutin kung gusto ko para Mag Un na tayo" tumawa ito ng mahina at tsaka sumandal sa balikat ko "I really like you"



Hindi ako makagalaw, ni walang boses na lumalabas sa lalamunan ko... He really likes me daw oh! Ano naman ang sasabihin ko? Bakit ako naging statwa ng marinig ko yun mula sa kanya? ano ba to? Gusto kong tumili pero hindi ko magawa...


HE LIKES ME DAW!!!!!!!





NOTE:

Ayan ahahahaha hindi ko mapopromise na magiging consistent ako sa updating kasi kailangan ko tapusin syempre ang loads of work kaya paunti unti lang ang updating pampatanggal stress at pagod. Vote and Comment Guys! and may bago nga pala akong story SUNDO try ninyong basahin baka sakaling magustuhan ninyo https://www.wattpad.com/story/48665201-sundo

Switched by GIUSTINA93 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon