Different Worlds

586 11 3
                                        

Millet's POV

"I LOVE YOU MARCO!!!"

"Hoy! Mahiya ka nga, baka isipin nila nababaliw ka na diyan" suway sakin ni Cha

"Ito naman kasing si Marco, ang aga aga binuo na agad ang araw ko"

"Feeling mo naman? If I know suplado yan at masama ang ugali" sabi naman nito sakin

"Wag mo nga yan sabihin sa harap ko, wag mong saktan ang damdamin ko"

By the way, ako nga pala si Millet Tan. Isang multimedia arts student at asawa ng nag iisang model na si Marco Mendoza. Unang beses ko pa lang na nakita ang picture niya sa billboard alam kong he's the one kahit na ilang beses pang sinabi ni Cha na nahihibang na ko at wala na sa katinuan hind parin ako nawawalan ng pag asa na balang araw magkikita kaming dalawa.

"Pupunta na tayo sa mall show niya mamaya diba?" tanong sakin ni Cha

"Oo, kaya nga ngayon pa lang dinadalaw ko na siya para mamaya sa first ever mall show niya eh mafeel niya naman ang wifey love niya" sabi ko dito at tsaka muling tumingin sa litrato ni Marco

"Tapos ka na ba? Puwede ko na bang paandarin to? Naku bes, alam mo naman na bawal na bawal tong ginagawa natin dahil takaw disgrasya pero ginagawa mo parin" sabi nito at tsaka sinimulan paandarin ang sasakyan

"Bye husby ko! Mamaya cheecheer kita!" sigaw ko naman nang magsimula kaming umandar ang sasakyan

Wait for me Marco, Magkikita na tayo mamaya at sisiguraduhin kong kapag nagkita tayo hindi hindi kita pakakawalan.

**********

Marco's POV

"Hindi pa ba tapos?!"

"Hey Marc, chill ka lang diyan baka kung ano nanaman ang sabihin nila sayo eh" suway sakin ni Ken

"This is not right, this is not professional" reklamo ko dito

"Chill ka lang puwede? May lumabas nanaman na article about you kaya puwede chill ka muna?" awat sakin ni Ken

I'm Marco Mendoza, isang model at future artista dahil naka pirma na ko ng contract at by next year may mga project na ko. This? I hate all of this. Napipilitan lang naman akong gawin to dahil nakasanayan ko na to at hindi ko na alam pa ang gagawin ko kapag nag quit ako. Quit? Kapag nag quit ako hindi ko ata makakaya na mawala ang kasikatan ko kaya I will never quit kahit na ayoko tong ginagawa ko.

"Where's my watch?!" sigaw ko sa personal assistant kong si Arny

"Sir ito po" nanginginig nitong ibinigay sakin ang watch ko

Si Arny kaklase ko nung elementary ako pero hindi ko naman siya napansin nun. Si Ken naman? Kaklase ko since kinder at siya ang nakaka alala kay Arny. Si Ken naman talaga ang magaling sa memory eh at ako? Guwapo ako.

"Marco, I'm so sorry sa delay but we need to re shoot the last photo dahil malabo ang kinalabasan" paliwanag sakin ng photographer

"What?! Pinag antay mo ko dito just to tell me na we need to re shoot dahil sa kapabayaan mo?!" sigaw ko dito at tsaka tumayo at kinuha ang jacket ko

"Kailangan kasing palitan ang lighting kaya sorry" sabi nito sakin

"Edi might as well na humanap ka ng papalit na model sakin!" sigaw ko dito at tsaka umalis ng venue

This isn't cool, ang tagal tagal kong nag atay pero ganun lang pala ang mangyayari? That is not acceptabe.

"San po tayo sir?" tanong sakin ng driver ko

Switched by GIUSTINA93 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon