Siya Parin

30 1 0
                                        

Millet's POV

"Hi po" bati ni Ken sa client namin na sila Mr. and Mrs. Santos




"Nag enjoy ba kayo?" Tanong ni Mrs. Santos samin




Mag eenjoy po sana kaya lang... Kaya lang hindi ko akalain na may bangungot pala akong makikita dito.



"Opo, ang ganda po ng mga places dito pati ng mga museum" sabi ko dito at tsaka ibinaba ang bag ng camera ko




"Naku ngayon pa lang magsasabi na kami sa inyo ah? May lakad kami and iiwan namin kayo dito sa first shoot kasi may business meeting pa kami" nag aalalang sabi ni Mr. Santos




"Naku, wag po kayong mag alala sir kasi kayang kaya na namin ni Millet 'to" sabi ni Ken at tsaka ako inakbayan





"Malaki naman tiwala namin sa inyo kaya nga kami nag invest sa inyo talaga" sabi naman ni Mrs. Santos




"Inaantay lang namin yung magiging main model para dito. Fiancé siya ng pamangkin ko and he's really good and professional" sabi naman ni sir




Sir naman... Kung professional bakit po medyo late siya? Sana nakapag start na kami ng shoot.



"Millet? Okay ka lang?" Tanong sakin ni Mrs. Santos





"Opo ma'am okay po ako. Medyo naninibago pa lang po sa tulog" sabi ko dito at tsaka inumpisahan na ayusin ang camera ko





"Oh, andito na pala sila" sabi ni Mr. Santos kaya naman inihinto ko ang pag aayos at hinarap ang main model namin





"Hi, sorry po I'm late. Hinatid ko pa po kasi si Nancy" sabi nito




Pero sabay kaming napako ni Ken sa kinatatayuan namin. Siya parin... Siya parin yung lalaking pinangarap ko, siya yung lalaking minahal ko, siya yung lalaking sinaktan at pinaiyak ako.





"Millet, Ken I would like you to meet Timothy, ang magiging main model ninyo for this project" pakilala ni Mr. Santos




"Timothy?" Sabay naming tanong ni Ken na nakatitig sa kanya.






"Hi, nice meeting you guys" naka ngiti nitong sabi at tsaka iniabot ang kamay niya sakin





Niloloko ba nila kami ni Ken? Isa ba itong malaking biro? Joke time? Kasi kung joke time 'to hindi ako natatawa.





"Oh, Cha long time no see" sabi ni Mr. Santos sa isang pamilyar na babae na papalapit samin





Nakita ko ang pagka gulat sa mga mata niya. Alam ko na siya 'to at sigurado ako na si Marco ang lalaking tinatawag nilang Timothy. Pero bakit? Bakit parang hindi niya talaga ako kilala?





"Hello po" sabi naman ni Cha kay Mr. Santos at tsaka naman bumeso kay Mrs. Santos





Naramdaman ko naman ang pag hawak sa kamay ni Ken sakin. Tumingin ako dito pero siya naka tingin kay Marco na naka tingin samin at tsaka muling inabot ang kamay.





"Hi?" Sabi nito at tsaka tumingin sakin





"Ken" pakilala ni Ken at tsaka tumingin sakin "This is Millet, my finacé" pakilala sakin ni Ken




"Hi Ken" sabi nito at tsaka inabot ang kamay ni Ken at nakipag kamay "Hi Millet" naka ngiti nitong bati sakin at tsaka inabot ang kanyang kamay sakin





Hindi. Bakit ako makikipag kamay sa isang taong niloko ako at hanggang ngayon niloloko ako. Hindi naman ata fair yun.





"Tim, kailangan mo ng mag ayos oara makapag start na and aalis na sila tito at tita" sabi ni Cha dito dahilan para bawiin ni Marco ang kanyang kamay




"Nice meeting you guys" naka ngiti nitong bati at tsaka nagsimulang maglakad palayo samin






Habang naglalakad siya palayo para naman akong nauubusan ng lakas. Nanatili lang akong nakatayo at nakatitig sa kanya. Napaka imposible na hindi siya si Marco lalo pa at kasama niya si Cha. Pero bakit? Bakit pati si Cha umaaktong hindi ako kilala? Bakit ang sikip sikip ng dibdib ko?





"Baby" tawag sakin ni Ken






"Okay ako" sabi ko dito




Pero hindi ko parin maalis ang mga mata ko kay Marco na nagpapaalam kay Mr. and Mrs. Santos


Naka ngiti siya dito. Siya daw ang mapapangasawa ng pamangkin nila. Kaya mo ba ko iniwan Marco? Yun ba ang dahilan? Pero bakit pati si Cha?






"Mag aayos lang kami saglit then start na tayo?" Tanong nito na nasa harapan na pala namin ulit "By the way this is Cha, bestfriend ko" pakilala niya kay Cha at tsaka ito inakbayan





"Hi" sabi nito samin at tsaka ngumiti na para bang wala lang sa kanya ang mga nangyayari





"Let's meet at 8? Sharp" sabi ni Ken at tsaka tumingin sakin





"8, sharp" sabi ko dito






Ito ba ang gusto ninyo? Ang makipaglaro? Ang paglaruan ang nararamdaman ko? Sige, makikipaglaro ako sa inyo.








Muli tumingin ako sa direksyon kung san sila naglalakad papunta sa dressing room. Nakita ko naman na sumulyap si Cha at tsaka muling naglakad kasabay ni Marco.






Ito ba ang gusto ninyo? Sige. Dito natin tapusin.








-to be continued-
😂😂😂😂😂😂😂

Switched by GIUSTINA93 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon