Marco's POV
"Puwede ba tayong mag usap?"
Napalingon kaming dalawa ni Millet nang marinig namin si Val mula sa likuran namin. Agad kong inayos ang sarili ko at pinunasan ang luha ko.
"Puwedeng mag shoot muna?" Tanong ko dito
Hindi ko alam kung ano ang magiging first impression niya kay Millet pero I'm sorry Millet hindi ko kayang kausapin siya ng maayos.
"Okay" sagot naman nito at tsaka ngumiti sakin
"Pagkatapos siguro ng shooting" sabi naman ni Millet
"Uhm... Si Marco sana ang gusto kong makausap" sabi naman nito
Natigilan ako sa paglalakad nang marinig ko yun. Napatingin ako sa kanya at napako ang mga mata ko sa mga mata niya.
"Sinabi sakin ni Ken" simpleng sagot niya sakin
"I think... Kailangan niyong mag usap" sabi naman ni Millet at tsaka naglakad papasok ng studio
**********
Millet's POV
Akala ko he was the cold hearted guy, the beast and the jerk. Akala ko ganun siya pero ngayon nalaman ko kung ano ang pinanghuhugutan niya. Naiintindihan ko siya.
"Are you okay?" Tanong sakin ni Ken
"Oo naman" sabi ko dito at tsaka siya nginitian
"You seem... Affected?" Tanong nito sakin
"Ako? hindi ah" tanggi ko dito
Ngumiti lang ito at tsaka sumandal sa pader. Tumabi naman ako dito at ginaya ang puwesto niyang pag sandal sa pader. Tumingin ako sa lugar kung saan iniwan ko sila Marco. Hindi parin siya gumagalaw at naka tingin lang kay Val.
"I'm sorry, I need to tell her the truth. Alam ko na rin kung ano ang nangyari sa kanila" sabi nito sakin
Tinignan ko siya, naka tingin lang ito kay Val at Marco na hindi gumagalaw sa puwesto nila.
"Special siguro si Val? Kasi dalawa kayong nagmahal sa kanya" sabi ko dito at tsaka tinignan si Val
Sexy siya, matangos ang ilong, manipis ang labi at singkit. Hindi malabong magustuhan nga siya ng nag iisang Marco Mendoza.
"Siguro parehas lang kami ng tipo ng babae ni Marco" sabi naman ni Ken
"Sana magkapalit na kami ng katawan ni Marco... Sana bumalik na ko sa dati kong katawan... Para hindi na siya nahihirapan sa sitwasyon namin" sabi ko dito at tsaka ngumiti sa kanya
"Para makilala rin kita ng husto"
Napatingin naman ako kay Ken na nakatingin na pala sakin ngayon. Napako ang mga mata ko sa mga mata nito.
Bakit nag iinit ang mukha ko sa sinabi niya? Ang weird ko naman ngayong araw na to.
"Ano ba pinagsasasabi mo?" Natatawa kong tanong sa kanya
"Wala lang... Natutuwa lang ako sayo" sabi naman nito
"Clown?" Tanong ko dito
Hindi ko na kasi alam kung ano pa ang sasabihin ko sa kanya. Nag iinit talaga ang mukha ko ngayon.
Narinig ko ang pag chuckle niya sa tanong ko tapos tumingin ito sakin habang naka ngiti.
"Lets just say... Your interesting Ms. Tan" sabi nito at tsaka tinapik ang balikat ko at naglakad palayo
I'm.... What?!
Totoo ba yung narinig ko?
Bakit ako affected?
***********
Marco's POV
"Maganda siya"
Napatingin ako dito at nakatingin siya sa mukha ko ngayon.. Well, mukha ni Millet. Iniwas ko ang tingin ko dito at tsaka naupo sa bench.
"Anong kailangan mo?" Tanong ko dito
"Gusto kong kausapin ka.. Gusto kong humingi ng tawad sayo... At the same time gusto kong magpasalamat sayo" sabi nito at tsaka tumabi sakin
"Magpasalamat? Kasi nagpaka tanga ako para sayo?" Tanong ko dito
"Kasi minahal mo ko... Kasi yung mga time na tayo... Yun yung memories na hindi ko makakalimutan dahil ipinaramdam mo sakin ang pagmamahal mo" sabi nito at tsaka ngumiti at tumingin sakin
"Kung totoo yang mga sinasabi mo.... Bakit ka naghanap ng iba? Bakit ka nakipag hiwalay?" Tanong ko dito at tsaka siya tinignan
Huminga ito ng malalim at tsaka yumuko at nilaro laro ang cellphone niya na may wallpaper nila ng boyfriend niya.
"Ikakasal ka na... Ano pa ang kailangan mo sakin?" Tanong ko dito
"Gusto ko ng closure.... Gusto ko ikakasal ako na alam kong wala na kong nasasaktan na iba at gusto kong humingi ng tawad sayo" sabi nito at tsaka tumingin sakin
