Friends

26 0 0
                                    

Timothy's POV



"Good morning"






Tama ba 'tong nakikita ko? Slow motion? Pero bakit? Nababaliw na ba ako?






"Good morning"






Agad naman akong napatingin kay Nancy na naka ngiti sakin at tsaka ito naupo sa tabi ko.






"Ang ganda ni Millet no?" Bulong nito sakin






"Ha? Mas maganda ka kaya" sabi ko dito at tsaka siya inakap






Mali ito. Mali itong mga nararamdaman ko. Kailangan ko 'tong iwasan. Si Nancy ang mahal ko at si Millet ay past ko na. Pakakasalan ko si Nancy at si Millet... Si Millet kaibigan ko.






"Breakfast na tayo" aya ni Cha samin






Agad naman tumayo si Nans at tsaka hinawakan ang kamay ko.






"Halika na. Kumain na tayo" aya nito sakin at tsaka ako nginitian






Agad naman akong ngumiti pabalik dito at sumunod sa kanya.







"Tara, kain na" sabi ni Cha at tsaka nagsimulang kumuha ng pagkain niya







Ako naman agad na kumuha ng tinapay pero natigilan naman ako nang magkasabay kami ni Millet na kunin yung tinapay.








"sige ikaw na" sabay namin sabi







"Ikaw na" sabay ulit namin na sabi nito







"Oh ayan" sabi naman ni Cha nang makuha niya yung tinapay at inilagay sa plato ni Millet







"Coffee?" Tanong sakin ni Nans at tsaka nito ibinigay ang tinimpla niyang kape







"Thank you" sabi ko naman dito at tsaka ito nginitian at sabay sabay na nga kaming kumain







"Millet, may susuot ka na ba?" Tanong ni Cha kay Millet







"Wala pa nga e. Naiwan ko pa mga gamit ko sa hotel" sabi naman nito







"Edi sabay sabay na tayong mamili" sabi naman ni Nans







"Wala yung card ko, naiwan ko sa hotel e" sabi naman ni Millet







"Wag ka ng mag alala, my treat" sabi naman ni Nans







"Naku, wag na nakakahiya" sabi naman ni Millet








"No, I insist" sabi naman ni Nans at tsaka hinawakan ang kamay ni Millet at nginitian ito "Babe, samahan mo kami ah?" Sabi naman nito sakin








"Oo naman" sabi ko dito at tsaka siya nginitian







"Good, bonding natin to" sabi naman ni Cha "Namiss kita, bes" sabi nito kay Millet at tsaka inakap







"Tama, date natin to" sabi naman ni Nans









Millet's POV





Ano ba 'tong napasok ko? Bakit ba ako pumayag na tumuloy dito at BAKIT AKO NGAYON NASA MALL KASAMA ANG GIRLFRIEND NG BOYFRIEND KO? .... Ex ko pala.







"This one is nice" sabi ni Nancy at tsaka ipinakita ang dress samin ni Cha







"Oo nga, bagay yug color sayo" sabi naman ni Cha dito







Sa totoo lang? Sobrang bait na tao pala nitong si Nancy. Weird ko ba? Anong magagawa ko? Yun naman talaga ang totoo. Nakikita ko na kung bakit siya nagustuhan ni Marco... Timothy pala.







"Try this, Millet" sabi ni Nancy sakin at tsaka inabot ang isang dress







"Sure kayo dito?" Tanong ko sa kanila







"Oo naman, try mo na then aantayin ka namin lumabas" sabi nito at tsaka ako nginitian at itinuro ang dressing room







Okay sige. Tutal siya naman ang sagot sa magiging dress ko sa last party na makakasama ko si... Si Marco at Cha at pagtapos nun babalik na ako ng pilipinas at pakakasalan ang taong naging dahilan ng lahat ng paghihirap ko.










Timothy's POV






"Nakapag park na ko" sabi ko kay Nans at tsaka tumabi dito "Sino inaantay natin?" Tanong ko sa kanya







"Wow" tanging sinabi lang nito habang naka tingin sa ibang direksyon kaya naman tinignan ko kung san siya nakatingin








"Ang ganda mo, Millet" sabi ni Cha dito








Natigil naman ang mundo ko nang makita ko si Millet na naka dress ng kulay red. Hawak hawak niya rin ang magiging mask niya na kulay pula rin.



Hindi ko maintindihan nararamdaman ko. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko tapos slow-motion ang bawat galaw niya sa paningin ko.







"Ang ganda mo" narinig kong sabi ni Nancy "Excited na ko sa party" sabi nito at tsaka nginitian si Millet








Timothy, tigil na. May girlfriend ka na. Tigilan mo na yan kakatingin mo lalo na ng kaka slow-motion mo. Focus!







"Ready na tayo sa PARTY!" excited na sabi ni Cha at tsaka umakap kay Millet







Napangiti naman ako nang lumapit si Nancy sa kanila at tsaka naki akap. Ako? Dapat ba akong ma excite sa party? Ano ba ang dapat kong asahan dun? Bakit parang bigla akong kinabahan?







TO BE CONTINUED.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 02, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Switched by GIUSTINA93 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon