"Isa pa, ang pangit"
"Ang dami ng shot nun ah? Wala ka pa ba napipili?"
"Alam mo, Timothy, kung may maganda akong nakita hindi tayo magtatagal ng ganito"
"Sorry"
Natigilan ako sa narinig ko. Hindi ako nakagalaw o nakatingin man lang sa kanya. Sorry. Kahit kailan never ako nakarinig sa kanya ng ganun kasi lagi siyang galit or laging kailangan siya ang tama.
"Mag break na muna siguro tayo" sabi ni Ken at tsaka ako tinapik sa balikat
"Hindi, tapusin natin" sabi ko dito at tsaka humarap kay Marco "Give me your best shot" sabi ko dito at tsaka inihanda ang camera ko "Dapat matapang ang look mo, isipin mo na iiwan ka ng Fiancé mo at sumama sa ibang lalaki kasi sinabi niya sayo ng wala ka naman kuwentang tao at magpapakasal na siya sa iba" sabi ko dito at tsaka inayos ang lens ng camera na naka focus sa mukha niya
Umayos ito ng kanyang tayo at tsaka tumingin sa camera. Natigilan ako ng makita ko ang galit sa mga mata niya. Agad ko naman itong kinuhaan ng litrato. At tsaka sunod sunod na kumuha ng iba't ibang anggulo.
"Break!" Sigaw ko at tsaka tumalikod dito
"Okay ka lang?" Tanong sakin ni Ken
"Okay lang" sabi ko dito at tsaka siya nginitian
"Kausapin ko lang yung ibang models ah? Baka di na kasi sila umabot today" sabi nito at tsaka ako hinalikan sa pisngi
Mali. Mali ang ginagawa ko dahil pati trabaho ko naaapektuhan na dahil sa kanya.
Natigilan ako sa pag aayos ng camera nang makita ko si Marco na inaabutan ako ng tubig. Naka ngiti ito sakin na parang wala lang sa kanya lahat ng pagsusungit ko at pagpapahirap sa kanya sa shoot.
"Break muna" sabi nito at tsaka inilapag ang tubig sa table ko
Wala akong sinabi, wala akong ginawa kundi sundan lang siya ng tingin habang naglalakad sa may upuan niya. Iba, iba ang ugali niya. Isa isa niyang binibigyan ng tubig ang mga crew ng shoot. Hindi siya yung Marco na masungit at masama ugali. Anong nangyari?
"Nakausap ko na yung ibang models, bukas ang shoot ah? Bawal na tayong masira ang schedule"
"Sorry" tangi ko nasabi kay Ken
"Okay lang, ano ka ba" sabi nito at tsaka ako nilambing ng akap
Sorry. Yan lang tangi ko nasabi kasi hindi ko makuhang hindi isipin si Marco ngayon.
Timothy's POV
"Okay ka lang?" Tanong sakin ni Cha
"Oo naman, ako pa?" Sabi ko dito at tsaka siya nginitian
Sa totoo lang. Kanina, nakaramdam ako ng inis sa sinabi ni Millet. Alam ko naman na may mali ako dahil di ko mabigay yung gusto niyang shot pero hindi niya naman kailangan idamay yung taong mahal ko.
*FLASHABACK*
"S-Sino ka?"
"Hi, ako si Nancy, kaibigan ako ni Cha... Yung bestfriend mo"
"S-Sinong Cha?"
Ngumiti lang ito at tsaka hinawakan ang kamay ko.
Si Nancy, siya na ata ang pinaka mabait na taong nakilala ko. Halos mukha akong tanga dahil sa matinding aksidenteng kinasangkutan ko pero siya? Di niya pinaramdam sakin na wala akong silbi o may diperensya ako.
"May problema ba?"
Dahan dahan itong lumapit sakin at tsaka ngumiti at tinulungan akong itali ang sintas ng sapatos ko.
"Pati ba naman yan... Hindi ko alam" sabi ko dito
"Alam mo think positive. Makaka alala ka rin" sabi nito at tsaka tumingin sa mga mata ko "Pero sana ang una mong maalala ay ngumiti" sabi nito at tsaka hinawakan ang labi ko
Hindi ko naman maintindihan pero nang sabihin niya yun at nang hawakan niya nag mga labi ko ay bigla na lang akong napangiti.
*END OF FLASHBACK*
"Hoy? Okay ka lang?" Tanong sakin ni Cha
"Namiss ko lang bigla si Nancy" sabi ko dito at tsaka siya nginitian
"Yan tayo eh, yan ngiti mo eh no?" Pang aasar nito sakin
Ang ngiti kong to? Siya ang nagturo sakin nito.
"Last Shoot!" Sigaw ni Millet kaya naman akong tumayo at nag ayos ng damit
Kung puwede lang sana na turuan din siyang ngumiti. Para naman makita yung ganda niya.
"Ok, ngayon naman masaya ah?" Sabi nito at tsaka hinanda ang camera niya "Light" utos nito
Inayos ko naman ang damit ko at tsaka tumingin sa camera at ngumiti dito. Ito, mas madali sakin kesa sumimangot. Mas masaya kaya kapag naka ngiti lang.
"GOOD!" sigaw nito at tsaka tumalikod at nag ayos ng gamit niya
Millet's POV
Mali. Ano bang nangyayari sayo Millet? Si Marco yan, yung nang iwan sayo, yung nanakit sayo. Bakit ganyan nasa utak mo? Bakit tumitibok nanaman ng ganyan ang puso mo?
"Pasensya na kanina ah?"
Napatingin ako sa kanya at nakita ko nanaman yung ngiti niya. Bakit? Bakit ka nawala? Anong nangyari? Bakit pati si Cha hindi ako kayang kausapin? Anong nangyari?
"Bukas, 7am sharp" sabi ko dito at tsaka muling inayos ang mga gamit ko
"Yes Ma'am" sabi nito at tsaka tumawa ng bahagya at naglakad palayo sakin
Talaga bang hindi mo ko naaalala Marco?
Napalingon ako dito at sakto lumingon din ito sa akin at tsaka ako kinawayan.-To be Continued-
