Millet's POV
"Sure ka ba na kaya mo mag shoot mag isa?" Nag aalalang tanong sakin ni Ken
"Oo naman, bakit?" Tanong ko dito
"Hindi pa tayo nag uusap tungkol sa kanila" seryoso nitong sabi
"Kailangan ba natin silang pag usapan? Nakita mo ba? Hindi nila tayo kinikilala and siguro dapat ganun din ang gawin natin sa kanila diba?" Inakap ko ito at tsaka nginitian "Ituloy mo na meeting mo Mr. Ken pogi para makapag date tayo mamaya" lambing ko dito at tsaka siya hinalikan
"Promise, matapos na matapos ang meeting dederetso ako sayo" pangako nito sakin at tsaka ako inakap ng mahigpit
"Hindi mo ko iiwan Ken, dun ako sigurado" sabi ko dito at tsaka siya inakap pabalik
"Tapusin mo agad ah?" Bilin nito sakin
"Yes boss" biro ko sa kanya at tsaka ako bumaba ng sasakyan para magpunta sa venue ng shoot "Good luck sa meeting"
"I love you!" Sigaw nito
"I love you too" naka ngiti kong sabi dito at tsaka siya kinawayan
"Nakita ko rin sa wakas"
Napalingon naman ako agad sa lalaking nagsalita mula sa likod ko. Naka ngiti ito sakin at tsaka dahan dahan na lumapit.
"Ano?" Tanong ko dito
"Oh, wag mong alisin. Mas bagay sayo" sabi nito at tsaka ako biglang nilapitan at hinawakan ang dalawang pisngi ko "Smile ka lang" sabi nito tsaka ako pilit na pina ngiti
Agad ko naman tinapik ang kamay niya at umatras sa kanya "Hindi tayo close" suway ko dito.
"S-Sorry" sabi naman nito at tsaka napa atras din
"Sorry din. Nabigla din ako" sabi ko naman dito
Nagulat naman ako nang bigla niyang inabot ang kamay niya sakin "Hi, ako nga pala si Timothy, walang apilyido" sabi nito at tsaka natawa
"Bakit?" Nagtataka kong tanong dito
"Nagising ako ng zero ang memory" maikli niyang paliwanag sakin
Bigla naman akong nakaramdam ng kirot sa puso nang marinig ko yun sa kanya. Alam ko kasi na nagsasabi siya ng totoo dahil nakikita ko sa mga mata niya. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung pano siya napadpad dito at kung ano ang meron sa kanila ni Cha.
"Amnesia?" Tanong ko dito at tsaka ko inayos ang mga gamit ko sa lamesa
"Oo, nagkaroon daw ako ng major car accident. Nagising ako ng blank lang" pagkukuwento nito
"Sino lang naalala mo?" Tanong ko dito
"Si Cha, siya lang kasi andun sa ospital. Bestfriend ko siya tapos si Nans" sabi nito at tsaka dahan dahan na umupo sa tabi ko
"Nans?" Tanong ko dito
"Kaibigan ni Cha, siya nag alaga sakin simula nang magising ako. Nag tyaga yun sa kasungitan ko and tantrums ko" ngumiti ito at tsaka ipinakita ang picture niya kasama yung sinasabi niyang Nans.
Maganda siya. Bagay sila. Pero bakit nakakaramdam ako ng lungkot? Diba dapat masaya ako? Kasi kung hindi niya ko iniwan hindi ko makakasama si Ken sa buhay ko. Bakit ganito pakiramdam ko?
"Siya yung nasa tabi ko nung mga panahon na walang ibang lumapit sakin. Siya yung hindi napagod na magpakilala sakin araw araw para lang makuha yung tiwala ko" ngumiti ito at tsaka tumingin sakin "Mahal na mahal ko siya" at tsaka ito muling tumingin sa picture ng babaeng mahal niya
"Kung... Kung sakaling may taong naghihintay pala sayo? Kunwari asawa mo pala? Girlfriend? Pano?" Tanong ko dito
"Wala. Wala naman nagpunta sakin o lumapit" sabi nito at tsaka tumawa ng bahagya "Baka masama ugali ko?" Biro nito
"Pano.. Kung biglang bumalik sayo ala ala mo? Hindi naman siguro kasalanan ng girlfriend mo kung hindi niya pala alam na nalimutan mo siya diba?" Natigilan ako nang makita ko siyang napalingon sakin at natauhan ako sa mga sinabi ko sa kanya
"Hindi... Kahit anong gawin ko... Wala akong maalala" sabi nito at tsaka ngumiti "Siguro, ito na talaga tadhana ko?" At tsaka ito tumingin uli sa mga mata ko "Ikaw, parang kayo nung bf mo. Mahal na mahal ka nun" sabi nito at tsaka ngumiti
"Pano mo nasabi?" Tanong ko sa kanya
"Kita naman sa mga mata niya e. Kahapon hindi maalis mata niya sayo" sabi nito at tsaka tumayo "Pano? Mag aayos na ko para matapos na tayo agad?"
"Timothy" tawag ko dito
"Hmm?" Tanong nito at tsaka lumingon sakin
"Sabihan mo ko"
"Hmm?" Nagtataka nitong tanong sakin
"Sabihan mo ko kapag naalala mo na lahat" sabi ko dito at tsaka umiwas ng tingin sa kanya
Ang bigat bigat ng dibdib ko. Hindi ko alam kung tama ba na makaramdam ako ng awa sa kanya. May kasalanan ba siya? Wala siyang maalala.... Si Cha... Siya ang makakapag explain sakin....
"Hi babe!"
Napalingon ako nang marinig ko ang isang babae. Huminto ang mundo ko nang makita ko ang babaeng umaakap kay Marco. Kitang kita ko ang saya sa mga ngiti ni Marco.... Yun ba yung sinasabi niya tungkol kay Ken? Kasi nakikita ko rin sa kanya... Nakikita ko... Mahal na mahal niya siya....
"Millet"
Agad akong natauhan nang makita ko si Cha sa harapan ko. Ang taong hindi ko akalain na sasaktan ako ng ganito. Siya, sa lahat ng tao. Siya ang bestfriend ko. Pero bakit niya nakuha akong lokohin ng ganito?
"May kailangan ka ba?" Tanong ko dito
"Alam ko.. Naguguluhan ka" sabi nito at tsaka ako binigyan ng papel na may number "tawagan mo ko. Handa akong sagutin lahat lahat" sabi nito at tsaka naglakad palayo sakin
May kailangan pa ba ko alamin? Masaya na ko. Nalagpasan ko na yung panahon na halos mamatay na ko kakaiyak at halos hilingin ko na lang na sana mamatay na ko. Hindi. Hindi ko na kailangan pang guluhin ang buhay ko para lang alamin kung ano ba ang nangyari. Masaya na siya at masaya na rin ako.... Masaya ako. Kaya hindi na... Hahayaan ko na lang na siya si Timothy at pagtapos ng shoot na to. Kakalimutan ko na nagkita pa kami o kung hindi ko man makalimutan, iisipin ko na siya si Timothy at hindi si Marco. Tama. Wala ng kailangan pang alamin dahil patay na si Marco at si Timothy ang nakatrabaho ko.
