What happened!

149 9 1
                                        

Millet's POV

Handa na ba kong magka boyfriend? Bakit niya naman natanong sakin yun? Anong meron sa mamaw na yun?


"Oh? Gabing gabi na gising ka pa" napalingon ako kay Ken na naglalakad palapit sakin

"Ah... Nagpapahangin lang" sabi ko dito at tsaka siya nginitian


"Mukhang malalim ang iniisip ah?" Ngumiti ito at tsaka naupo sa tabi ko


Nasa garden kasi ako kanina pa simula nang umuwi kami ni Marco. Hindi ko alam kung bakit ako affected sa tanong niya sakin. Kaya niya ba ko tinatanong dahil naniniwala na siyang matatanggal ang sumpa kapag naging kami? Hay... Millet tigil na kakaisip please?



"Millet?"


Napatingin ako kay Ken na kanina pa pala ako tinatawag kaya naman sabay kaming natawa tapos inabot niya bigla sakin ang isang ice cream.


"Alam mo talaga ang mga trip ko" sabi ko dito at tsaka ko kinuha yung ice cream at nagsimulang kumain


"Bakit ba ang lalim ng iniisip mo? Parang pasan mo na ang daigdig eh" biro nito sakin habang kinakain niya yung ice cream niya


"Kasi... Hindi ko maintindihan yung tanong sakin ni Marco" sabi ko dito



"Bakit? Ano ba tanong niya sayo?" Humarap ito sakin na parang batang nag aantay ng kuwento


Ngumiti ako dito at tsaka humarap sa kanya para ikuwento kung ano yung pinoproblema ko kanina pa.



"Kasi... Kasi kanina after namin mag gym ni Marco tinanong niya ko out of the blue na kung ready na ba kong mag boyfriend ulit" pagkukuwento ko dito




Ngumiti lang ito sakin tapos nag unat at bigla na lang humiga sa may damuhan.




"Hoy madumi diyan" awat ko sa kanya




"Ano naman ang sagot mo sa kanya?" Tanong nito sakin



"Wala, wala akong sinagot at hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit niya tinanong yun sakin" sabi ko naman dito




"Kasi sinabi ko sa kanya na gusto kita"





Para naman huminto ang mundo ko nang marinig ko yun. Nakatitig lang ako sa mga mata niya na nakatingin sakin. Ano daw sabi niya? Totoo ba yung narinig ko?




"A-Ano?" Tanong ko dito





"I said I like you Millet" ngumiti ito at tsaka pumikit "I know its awkward and weird right now dahil wala ka sa sarili mong katawan pero pinapangako ko sa sarili ko na once bumalik na kayo sa normal liligawan kita" tumingin ito muli sakin at tsaka ako nginitian




Hindi ko naman siya masagot dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Simula kasi ng makilala ko siya sobrang gentleman niya at napaka bait niyang tao kaya naman naging crush ko siya pero ngayon nandito siya sinasabi sakin na liligawan niya ko.




Ano naman ang isasagot ko?



"Naiihi ako" sabi ko dito at tsaka ako tumakbo palayo sa kanya




Wahhh!!! Ano ba naman na palusot yun? Anong klaseng sagot yun?! Millet Tan isa kang baliw na babae!





Agad akong pumasok sa loob ng condo at nilock ang pinto. Sumandal lang ako dito ng napaka tagal na minuti dahil sa hindi ako makahinga ng maayos dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.




Switched by GIUSTINA93 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon