Meet Marco Mendoza

143 8 1
                                    

Millet's POV

"Hoy Bak"

"Bak"


"BAK, GISING!"

"Ahhhh!!!"



Agad kong naitulak tong si Marco nang maalimpungatan ako. Bakit ba trip na trip nitong taong to na pumasok ng kuwarto ko at manggambala? Hello? Babae parin ako kahit na nasa katawan ako ng lalaki ah.

"Ano bang ginagawa mo dito? 4am pa lang ng umaga ah" tanong ko dito habang kinukusot ko ang mga mata ko para matanggal ang antok ko

"Sabi mo kapag natalo ako ipapakilala ko sayo si Marco Mendoza diba?" Tanong nito sakin

Agad naman nawala ang antok ko nang marinig ko yun. Tumingin ako dito at naka bihis na siya kaya naman napa balikwas ako ng tayo at agad na nagpunta sa cabinet ko.

"Bakit naman kasi hindi mo sinabi agad? Ikaw naman ang hilig mo sa surprise" sabi ko dito habang namimili ng susuotin ko

"Wear something.... Comfortable" ngumiti ito at tsaka naglakad palabas

Pag labas na pag labas niya mukha akong tanga na kilig na kilig. Hindi lang ako maka tili dahil boses lalaki ako at halatang halata niya naman na kinikilig ako.

"Comfortable daw sabi ni husby" sabi ko sa sarili ko habang nag hahanap ng damit sa cabinet



"Oo, comfortable WIFEY"



O_O

"AH!!! Akala ko ba lumabas ka na?!" Sigaw ko dito




"Nakalimutan ko kasing sabihin na mag iwan ka ng note para hindi mag alala ang maghahanap satin" ngumiti ito tapos tumingin sakin na parang nang iinis "WIFEY" at tsaka siya lumabas ng kuwarto


Agad akong tumakbo sa may pinto at nilock ito. WIFEY daw!! Samantalang kanina BAK ang tawag niya sakin! Bakit nag iinit nanaman mukha ko? Marco Mendoza ang lakas mo talaga, ang lakas ng tama ko sayo.

"Bak, bilis!" Sigaw nito mula sa labas


Ewan ko ba ngayon kahit tawagin niya kong Bak wala akong paki... Kinikilig ako eh.





************
Marco's POV

Tama ba tong ginagawa ko? Hindi ba ko.. Nanggugulo sa kanila ni Ken? Pero ano naman ang magagawa ko? Hay... Ipapakilala ko lang naman sa kanya si Marco Mendoza eh.

Sige, maging in denial ka pa Marco. Alam mo naman kung ano ang totoo eh.

"Lalim ah?"

Napatingin ako kay Millet na nasa likod ko na pala. Ngumiti ako dito at tsaka ako tumayo.

"Tara" sabi ko dito at tsaka siya hinawakan sa kamay


"San ba tayo pupunta?" Tanong nito sakin

"Kung saan nag umpisa si Marco Mendoza ng pagiging cute at guwapo" sabi ko dito at tsaka kami sumakay ng elevator


"Wah! Tama yan! Mag uumpisa tayo sa simula" excited nitong sabi sakin



"Stalker ka nu?" tanong ko dito



"Kung stalker mo ko edi sana hindi ko na tinatanong to" sabi niya naman at tsaka ako inirapan



"Hey! Ang sabi ko wag kang iirap eh. You have to remember na ikaw si Marco Mendoza not Millet Tan" sabi ko dito at tsaka kami lumabas ng elevator


Switched by GIUSTINA93 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon