Millet's POV
"Marco?"
"Marco?"
Ang aga aga wala? San naman yun nagpunta?
"Marco?"
Nilibot ko na buong lugar pero wala naman siya. Natigilan na lang ako nang makita ko ang note na nakadikit sa ref.
Note: Alam ko hinahanap mo na ko. Miss mo na agad ako. Magkita tayo mamaya? Buksan mo ref. May susundo sayo later kaya wala kang excuse para malate okay?
Bigla naman akong napangiti nang mabasa ko ang note niya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi ngumiti dahil sa kilig na nararamdaman ko.
Agad kong binuksan ang refrigirator at nakita ko ang isang malaking box. Nagmamadali naman akong kunin ito at tsaka inilapag sa lamesa.
"Cake? Ano kayang flavor to?"
Agad ko itong binuksan pero bigo ako sa cake :( suit lang ang nakita ko. Not interested.... buti sana kung dress or gown yan edi sana ang happy happy ko diba?
"Pero in fairness maganda kulay" pampalubag loob ko sa sarili ko habang inilalabas ang suit sa box
Nagulat na lang ako nang may nalaglag na sobre kaya naman agad ko itong pinulot at binuksan.
Note: Alam ko hindi mo type. Pero hindi ko rin naman type yung suot ko ah?
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang picture niya na suot suot ang napaka gandang yellow gown.
"Wow! Ang ganda ganda ko!" Sigaw ko habang tinititigan ang picture
(RING RNG)
Marco calling...
"Hello?!"
"Ouch! Why do you have to shout all the time?" Reklamo nito sakin
"Ay! Sorry sorry na excite lang ako" pag amin ko dito
"7pm, sharp. Don't be late okay?"
"Yes sir, hindi po ako malalate babye"
"WAIT!"
"Bakit?"
"I love you"
....
"Andyan ka pa ba?"
....
"Millet? Sabi ko.."
"I LOVE YOU TOO"
Agad kong inend ang call at tsaka tumakbo papunta ng sofa. Sorry Marco kung mukha kang tanga ngayon pero kasi hindi ko mapigilan kilig ko.
Marco's POV
Ready na ang lahat. Candles, music, food, everything romantic okay na ang lahatnat nandito na ang lahat. Siya na lang ang kulang.
"Andito na siya" bulong ni Cha
Siya kasi tumulong sakin na mag set up ng date na to. Siya kasi kasama ni Millet kaya siya lang pwede kong hingan ng tulong para maayos at ma set ang date na to.
Agad akong nag ayos ng damit at tsaka lumingon kung saan siya nandun.
"Hi" bati nito sakin na may kasamang malapad na ngiti
"Anong meron?" Pagtataka ko
"Ang ganda ganda ko kasi. Ang galing mo pumili ng dress" puri nito sakin
"Bagay naman sayo diba?" Tanong ko dito
"Oo, gusto ko kulay pati fit" sabi nito at tsaka umakap sakin
"Anong meron?" Nakangiti kong tanong dito
"Masaya ako ngayon. Ito pinaka masayang araw ng buhay ko" sabi nito at tsaka hinigpitan ang akap sakin
"Masaya din ako kasi kasama kita"
"Sana bumalik na tayo sa dati" sabi nito at tsaka tumingin sakin "para normal na relationship natin"
"Soon" sabi ko dito at tsaka hinawakan ang kamay niya "Soon" pag uulit ko
"So, anong meron?" Tanong niya sakin
"Gusto lang kitang makadate" ngumiti ako dito at tsaka umayos ng upo "Malay mo bumalik tayo sa dati habang nagdadate?" pagbibiro ko dito
"Oo nga! Para naman makain ko yung mga gusto ko ng walang diet diet" sabi nito habang natatawang tinitignan mga pagkain na naka hain
"Actually, binibigyan kita ngayon ng immunity" sabi ko dito at tsaka nilagyan ng pagkain ang plato niya "puwede mo'ng kainin yung mga pagkain na gusto mo" tinignan ko ito at tsaka nginitian
"Talaga ba?" Excited na tanong nito sakin
"Oo nga" natatawa kong sagot dito at tsaka siya sinubuan ng pagkain
"Mmm!!! The best!" Sigaw nito at tsaka nagsimulang kumain
Wag kang mag alala Millet, pinapangako ko sayo na babalik na tayo sa dati at gagawin ko ang lahat para bumalik tayo sa dati. Mahal na mahal kita yun ang totoo.
"Bakit di ka pa kumakain? Dinadiet mo ko? Di ka ba naaawa sakin? Ang payat payat ko na oh" reklamo nito
Natawa na lang ako at tsaka nagsimulang kumain kasabay siya.
"Millet" tawag ko dito
"Hmm?" Tanong niya sakin habang nagpupunas ng bibig
"Pwede ba kitang isayaw? Yun sana gusto kong last memory ng gabing to" tumayo ako at tsaka inalok ang kamay sa kanya
Ngumiti naman siya at namula ang mga tenga. Inabot niya sakin ang kamay niya at tsaka tumayo.
"Let's dance" sabi ko dito at tsaka kami sabay na naglakad sa may gitna
"Ang sweet sweet naman ng Marco ko" bulong nito at tsaka kami nagsimulang magsayaw
Ito na... its official. Ito ang pinaka masayang gabi ng buhay ko. Oo hindi pa kami nakakabalik sa dati naming mga katawan pero alam ko at nakakasiguro ako na ang pagmamahal ko sa babaeng to ay higit pa sa buhay ko. Wagas ang nararamdaman kong pagmamahal sa kanya.
Bitin 😁😁
NOTE:
COMMENT AND VOTE GUYSSSS!!!! BIGYAN NIYO KO NG INSPIRATION PLEASE HAHAHAHA THANK YOU!
