Millet's POV
"SAN BA KAYO GALING?! SABI NINYO MAUUNA KAYO, EH NAUNA PA KAMI DITO NI CHA EH!" Galit na galit na bulyaw samin ni Ken nang makarating kami ni Marco sa condo
"Relax, nagdate lang naman kami ah?" mahinahon at kalmadong sabi ni Marco at tsaka ngumiti at tumingin sakin
"ANO?! HINDI YAN KASAMA USAPAN!" sigaw muli ni Ken
"Eh ano ba ang kasama sa usapan Ken?! Ang pormahan si Millet kahit na wala pa siya sa katawan niya?! Yun din naman ang ginagawa mo ah?!" sigaw ni Marco dito
"Marco!" sigaw ni Ken "Alam mo kung wala ka lang sa katawan ni Millet kanina pa kita sinapak!" sigaw nito kay Marco
"Tumigil na nga kayo! Tama na! Ken, hindi kami nakapagsabi sayo biglaan lang naman eh" paliwanag ko kay Ken
"Bakit ka ba nagpapaliwanag sa kanya? Kailangan ba nagpapaalam?" inis na tanong sakin ni Marco "At ikaw! Tingin mo di kita kayang patumbahin?!" sigaw nito kay Ken
"Tama na!" awat ni Cha kay Ken nang aktong susugurin nito si Marco
"Ano bang kinagagalit mo?! Na nagdate kami ni Millet?! Anong masama dun?!" sigaw ni Marco
"Dahil mahal ko si Millet! At alam kong alam mo yun Marco! Hindi ka ba marunong magparaya?!" sigaw nito kay Marco
Sa pagkakataon na yun hindi ko alam ang gagawin ko. Nang marinig ko na sinabi ni Ken na mahal niya daw ako.. Hindi ko alam ang dapat na maging reaksyon ko at sa totoo lang naguguluhan ako sa nararamdaman ko ngayon.
"Masama ba na mahalin ko rin si Millet?! Ikaw lang ba ang may puso?!" sigaw ni Marco
Teka, ano daw? Gusto ako ni Marco? Hindi.. Hindi yun ang pagkakarinig ko.. MAHAL AKO NI MARCO MENDOZA yun ang narinig ko. Yun ang narinig kong sinabi niya. Nagulat na lang ako nang biglang lumabas si Ken kaya naman agad ko itong sinundan pero agad naman akong pinigilan ni Marco.
"San ka pupunta? Bakit ka susunod sa kanya?" tanong ni Marco sakin
"Marco, kaibigan ko si Ken at alam ko kailangan niya ko ngayon" paliwanag ko dito pero mas humigpit ang hawak niya sakin
"Millet, wag na" pakiusap nito sakin
Pero agad kong tinanggal ang pagkakahawak sakin ni Marco. Mabait na tao si Ken at alam ko nasaktan siya at nasasaktan siya ngayon. Mahalaga siya sakin dahil kaibigan ko siya at alam ko na kailangan niya ko ngayon. Sana maintindihan yun ni Marco.
"Ken!" sigaw ko nang makita ko itong naglalakad papunta sa kotse niya
"Magpahinga ka na, alam ko pagod ka" sabi nito habang nagmamadaling naglalakad papunta ng sasakyan niya
