Marco's POV
"Did you hear my voice?" pag kumpirma ko sa kanya dahil hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang boses ko
"Bes? Syempre narinig ko, kung maka sigaw ka naman kasi wagas" sabi naman nito
"Bes? Sino ka ba? at tsaka bakit naging ganito ang boses ko?" tanong ko sa kanya
"Baliw ka na ba? Ako to si Cha" pakilala niya sakin
"Look Cha? Ikaw siguro ang nagligtas sakin from the accident? Pero I need to see a doctor kung bakit nagkaganito ang boses ko okay?" sabi ko dito hanggat nakakapagtimpi pa ko
"Ano bang problema mo sa boses mo? Eh mas magulat ka kapag narinig mo pa ang sarili mong kumanta" at tsaka siya tumawa ng pagka lakas lakas
"Ano bang pinagsasasabi mo?! Tsaka bakit ka ba nakapasok dito? Wala bang security dito?!" sigaw ko
"Hoy Millet manahimik ka nga! Kalma lang!" sigaw nito sakin
"S-Sinong M-Millet?" tanong ko dito
"Duh? Edi ikaw!" sigaw nito
"Ako?!" sigaw ko sa kanya
Agad akong tumayo, medyo natutumba tumba pa ko dahil sa hilong nararamdaman ko. Nakita ko ang braso ko, shit ang payat ko? Gaano ba ko katagal na nakatulog? Ano bang nangyari? Agad akong nagpunta dun sa couch kung saan may salamin na nakapatong sa table.
O_O
