Millet's POV
"Humiga ka ng maayos" utos ko sa kanya
"Tsk! Bakit ba kasi ang dami mong sakit?" Reklamo nito sakin habang humihiga ng maayos
"Hoy hoy hoy hindi yan sakit. Yan ang iniinda namin mga babae buwan buwan. Ang daya nga eh, kayo walang pag hihirap buwan buwan" reklamo ko dito at tsaka ko nilagyan ng hot compress ang puson niya
"Yun lang matalakan ng babae buwan buwan parusa na samin eh" sabi naman niya at tsaka huminga ng malalim
"Sakit nu?" Pang aasar ko sa kanya
Umiling ito at tsaka hinawakan ang kamay ko. Kitang kita mo ang pag ngiwi niya at pangingilid ng luha tapos hindi daw masakit.
"Umamin ka na kasi" pangungulit ko dito
"Hindi nga" tanggi nito sakin
"Weh? bakit hindi?" Tanong ko sa kanya
"Kasi nandyan ka" tumingin ito sakin at tsaka ngumiti "Kasi hawak mo ang kamay ko"
Ano nanaman.... Ano nanaman pinagsasasabi nitong lalaking to?!
Agad akong umiwas sa mga mata niya at tsaka ako naupo ng maayos sa may kama dahil hindi ko puwedeng ipakita sa kanya ang kamatis kong mukha ngayon.
"Ito na yung soft drink" sabi ni Cha at tsaka ibinigay kay Marco
"Hindi ako umiinom nito eh" sabi ni Marco habang nakatingin sa soft drink
"Kailangan mo yan" sabay namin sabi ni Cha
Huminga naman ng malalim si Marco at tsaka pilit na umupo. Tinignan niya ng mabuti yung soft drink at pagkatapos nun ay ininom niya ito na parang umiimon ng gamot.
"Sarap sarap niyan eh" sabi ni Cha habang naka tingin kay Marco
"Na trauma kasi si Marco sa soft drink" natatawang sabi ni Ken na naka sandal sa may gilid ng pintuan
"Shut up" umiling si Marco na parang ayaw maalala ang sinasabi ni Ken
"Bakit?" Sabay naman namin na tanong ni Cha
Oo na kami na ang chismosang mag bestfriend.
"Kasi nung baguhan pa lang siyang model naimbitahan kami na pumunta sa isang party then akala niya soft drink yung naka patong sa mga table at ininom niya ng straight"
"Wag!" Sigaw ni Marco habang pinipigilan na magsalita si Ken
Natawa na lang kami ni Cha dahil kitang kita mo ang pamumula ni Marco sa kinukuwento ni Ken. Nagawa pa niyang tumayo at wag indahin ang sakit mapigilan lang ang sinasabi ni Ken.
"Tama na yan baka sumakit lalo ang puson mo" awat ko dito
"Kailangan ko ng umalis bes, may aasikasuhin pa kong papers bukas eh. Wag kang mag alala idadamay ko na yung sayo" sabi ni Cha sakin at tsaka ako inakap
"Maraming salamat bes, mag iingat ka ah?" Inakap ko ito at tsaka ko inihatid sa may tapat ng pintuan
"Ihahatid ko na siya, kailangan ko na rin naman magpahinga" sabi naman ni Ken na nasa may likuran namin
"Salamat ulit Ken ah? Nag enjoy ako" sabi ko dito at tsaka siya nginitian "Mag iingat kayo" bilin ko sa kanila
Pagkatapos nilang magpaalam para umuwi agad akong nagpunta sa kuwarto nitong si Marco para kamustahin kung kamusta na ba siya.
"Marco? Okay ka na ba?" Tanong ko sa kanya
"Masakit parin" sabi naman nito na naka hawak sa puson niya
"Mamaya mawawala rin yan" lumapit ako dito at tsaka naupo sa may gilid ng kama niya
"Ang sakit! Ayoko ng ganito. Mas okay pa yung appendicitis eh" reklamo niya na parang naiiyak na sa sakit
"Alam mo ang cute cute mo" natatawa kong sabi dito at tsaka hinimas ang buhok nito
Tumingin naman siya bigla sakin tapos agad din naman umayos ng pagkakahiga.
"Ikaw, miss mo na ba katawan mo?" Tanong nito bigla sakin
"Oo naman.. Miss na miss ko ng kumain at mag gala, miss ko na rin mag drawing at syempre miss ko na ang bestfriend ko" sabi ko dito at tsaka ako humiga sa tabi niya
"Bestfriend mong walang iba ginawa kundi ang mag ingay" bulong nito pero dinig ko rin naman
"Si Cha ang kaisa isang kaibigan ko na hindi ako iniwan at pinabayaan" tinignan ko naman ito at tsaka ako tumagilid "Parang ikaw, kayo ni Ken" sabi ko dito
"Si Ken?" Humarap ito sakin at tsaka umayos ng puwesto niya "Gusto mo ba siya?" Tanong nito sakin
"Si Ken? Hmmm crush ko siya... Pero hindi ko rin maintindihan eh" sabi ko dito at tsaka ako napa ngiti pag naaalala ko yung pag dala niya sakin sa baguio
"Edi gusto mo na nga siya" sabi naman nito at tsaka umayos ng higa niya
"Siguro" sabi ko dito at tsaka siya tinignan
"Wag kang mag alala, hahanap ako ng paraan para bumalik na tayo sa katawan natin" sabi niya naman
"Sana nga makabalik na tayo. Miss ko na rin kasing gumala eh" sabi ko naman dito
"May isang paraan... Pero... Kaya mo ba?" Tanong nito bigla sakin at tsaka muling humarap sakin
"Ano?" Tanong ko sa kanya
"Mahalin mo ko"
A-Anong.... Sabi niya?!
NOTE: Anong sabi ni Marco?! Hahaha vote and comment guys! Sinong team MaMi? Hahaha sino ang team MiKe? Comment guys!
![](https://img.wattpad.com/cover/22428464-288-k296071.jpg)